Chapter 22

13.2K 413 18
                                    

22


Jojo's POV


"Nice one, Tid. Ngiting ngiti ahh! Textmate na kayo niyan ni Sir Michael?" Maagang pangungulit ni Topeng.

"Kanina ko pa nga rin iyan napapansin eh. Nagliligawan na ba kayo ni Sir Michael?" As usual, second demotion na naman itong si Andrea. Huwag na kayo magtaka, inangkin niya na rin pati bahay namin. Baka nga bukas ipapalipat ko na mga damit niyan dito. 

Tiningnan ko sila nang masama.

"Ganoon na ba umiikot ang buhay ko kay Kael huh?" natahimik naman silang dalawa.

"Sorry naman, Tid. Eh kung hindi si Sir Michael, sino namang ibang tao ang pwede pang magtext sa'yo na ikangingiti mo?" Tanong ni Topeng. Mukhang natakot yata siya sa sinabi ko. Haha.

"Sus. Si Onel lang ito. Ang lakas kasi makipaggaguhan, asar-talo naman."

"Onel???" Sabay na tanong naman ng magjowang ito.

"Iyon ba, Pards, ang kaibigan ni Sir Michael na palagi niyang kasamang naghahatid sa'yo dito sa bahay niyo?"

Tumango ako.

"Oh emm! So surrender ka na sa feelings mo kay Sir Michael at itong Onel na 'to na ang gusto mo ngayon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Andrea.

Kumunot naman ang noo ko.

"Pinagsasabi mo diyan?"

"Hay naku, Jojo. Eh kung makangiti ka kaya diyan para kang high school na in love. Kekerengkeng kerengkeng ka na ngayon huh!"

"Siraulo ka talaga. Natatawa lang ako kay Onel tsaka wala akong control kapag kinakausap ko siya kasi walang malisya. Eh kay Kael, awkward ako masyadong itext kasi may pagnanasa ako. Hahaha. Kung kay Onel, nakangiti akong nagtetext. Alam niyo namang kapag si Kael ang nagtext sa akin kahit simpleng 'hi' lang, halos ikahimatay ko. Malaki pa rin ang difference, di ba?"

"Tiyangggggg!!!! Si Jojo po ohh! Mas malandi pa po sa akin!!! Nagpapanggap lang po siyang kilos-lalaki, Tiyangggg!!" Para naman siyang batang nagsusumbong. Abnormal talaga!

"Huy, Andrea. Ano naman ba iyang issue mo huh? Magkasundo nga lang talaga kami nitong si Onel. Tsaka iyang iniisip niyo, imposible 'yan. Lalaki ang tingin sa akin ng mokong na 'to ehh." Paliwanag ko.

"Hindi imposible, Tid. Eh diyan nga nagsisimula iyan. Malay mo hindi pala talaga si Sir Michael ang nakatakda sa'yo. Baka tinakda lang na magkakilala kayo kasi siya ang magiging daan para magkakilala kayo ng lalaking nakalaan sa'yo."

"Tid, sinabi ko naman na sa inyo. Inamin ko na. Mahal ko si Kael at iyon ang sigurado ako. Hindi ko lang masabi dahil masyado pang kumplikado tapos ganito pa itsura ko. Baka mamaya kapag sinabi ko sa kanya, hindi lang siya maniwala o kaya sabihin niya, 'Pare, hindi tayo talo. Ano 'to? Nasa Wow Mali ba ako?' Masaklap, di ba?"

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko pati sina Tiyang na kanina pa rin pala nakikinig sa usapan namin. Ganyan 'yan sila. Kunwari patay-malisya, iyon pala rinig lahat ng usapan mula umpisa. 

"Pero kung ako tatanungin Tid, mas okay ako diyan sa Onel. Hindi siya kasing taas ng pamilya nina Sir Michael. Sabi mo nga galing lang siya sa maykayang pamilya. Hindi mahirap para sa atin na makipagsabayan. Pakiramdam ko kasi Tid, ikaw talaga ang pinakamahihirapan sa oras na pumasok ka na sa mundo nina Sir Michael."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now