Chapter 11

14.2K 413 11
                                    

11


Jojo's POV


"Jojooooooooo!!!!"

Gulat na napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang sigaw mula sa kwarto ko.

"Ano ba iyon?" Inis na tanong ko. Si Andrea lang naman ang kayang sumigaw ng ganoon dito sa bahay. Nakita kong nakasalampak na siya sa higaan ko habang nakatayo naman sa pinto si Topeng.

"Narinig ko sa mga kapitbahay natin na may bigtime ka raw na bisita kagabi kasi mamahalin ang kotse. Sabi nina tita ang pakilala mo raw eh boss natin nina Topeng sa mall? Umamin ka nga! Pinopormahan ka ba ni manager?"

"Pffffffft..." Halos tumalsik ang laway ko sa pagpigil ko sa pagtawa.

Si Topeng naman ay natatawang napailing na lang din habang nananatiling nakatayo sa pintuan.

"Umayos ka nga, Andrea! Pag-iisip mo rin eh no?"

Parang bata naman siyang napaisip.

"Sabagay... ang sabi nina tita sobrang gwapo raw eh. Malamang hindi nga si manager iyon."

Binato ko siya ng unan sa mukha. Kahit kailan talaga ito.

"Jojo! Sino ba talaga kasi? Naiintriga na ako eh."

"Kasi sinabing gwapo?"

"Malamang! Sa tingin mo kung sinabi nina tita na mukhang hipon iyon, magiging ganito ako ka-excited?"

Binatukan ni Topeng si Andrea. Parang gusto kong ipaulit kay Tid ah.

"Sinong boss nga ba natin iyon, Tid?" Tanong ni Topeng.

"Ahh si Mr. Alvarez."

Natatawang tiningnan ko ang reaksyon ni Andrea. Sabi na nga ba. Laglag-panga. Parehong nanlalaki ang mga mata nina Topeng at Andrea na parang ayaw pa maniwala sa sinabi ko.

Halos mapantig ang tainga namin sa pagtiling ginawa ni Andrea kaya agad ko tinakpan ang bunganga ng bruha.

"Nakakainis ka, Jojo! Ano man lang iyong mag-text ka para sabihin na narito si Sir Michael. Kahit traffic sa EDSA, lilipad ako makita lang siya dito at kumakain! Alam mo namang crush na crush ko si Sir Michael! Kainis ka talaga!" Para siyang bata na sinisipa ang mga unan at kumot sa higaan ko.

"Sigurado iyan, Tid? Pero paano?" Tanong ni Topeng.

"Nagkasalubong lang kami habang pauwi na ako, tapos nagkakwentuhan saglit. Eh malapit lang din naman na itong bahay kaya sabi ko sabay na siya sa amin nina tiyang maghapunan. Pumayag naman siya."

Parang hindi pa rin makapaniwala sina Andrea sa sinabi ko.

"Close kayo???" Halos sabay nilang tanong.

Bigla ko namang naalala ang tinanong niya sa akin kagabi. Parang biglang na-excite ang puso ko. Ay ano ba 'to! Ang baduy.

"Nagkwentuhan saglit, close agad? Nakilala lang ako ni Mr. Alvarez dahil palagi niya akong naaabutang naglilinis sa opisina niya. Tsaka madalas tatlo lang kami nina Miss Pia, iyong secretary niya, ang tao sa 6th floor."

"Sus. Defensive..." Naiinis na sabi ni Andrea. 

Tinawanan ko lang siya. Tumayo na ako saka kinuha ang tuwalya.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now