Chapter 4

16.1K 479 19
                                    

4


Jojo's POV


"Sige po, lola. Kain lang po kayo."

Nakangiti naman siyang tumango sa akin. Nasa food court kami ngayon ng lolang tinulungan ko kanina. Kinabahan talaga ako kanina sa presyo ng damit na gusto nitong si Lola. Halos PHP 1300 pala iyon! Buti na lang may PHP 1500 pa ako sa wallet. Ang sukli ay ibinili ko ng pagkain ni lola.

"Maraming salamat talaga ineng. Sigurado ka bang ayos lang sa'yo ito?"

Ngumiti lang ako.

"Naku, lola. Huwag niyo po akong alalahanin. May baon din naman po kasi akong pagkain kaya hindi na ako bumili ng para sa akin. Kain lang po kayo riyan. Masama po ang nagpapalipas ng gutom. Mamaya ay mahilo pa kayo rito sa mall. Wala po ba kayong kasamang pumunta rito?"

Malungkot na umiling lang siya.

Bakit ba iyong ibang mga anak ngayon basta na lang iniiwan mag-isa ang mga magulang kapag tumanda? Naku naku! Iyan talaga ang huling bagay na gagawin ko kay Nanay. Kahit pa palagi niya akong tinatawag na Joyjoy.

"Pasensya na nga po pala kayo roon sa inasal ng mga saleslady kanina. Mga kasama rin po naming baguhan iyon dito sa mall."

Gulat na napatingin sa akin si lola, sabay tingin sa suot kong damit. Natawa naman ako.

"Nagpalit lang po ako ng damit. Lunch break ko po kasi ngayon."

"Saleslady ka rin?"

"Ay hindi po, lola. Hindi pa po ako baliw para magsuot ng ganoon kaikling palda. Isa po ako sa mga bagong janitress pero part-time lang po."

Napangiti naman siya. Ewan ko pero parang nang-aasar ang ngiti ni lola.

"Lola naman. Sa kilos ko pong ito? Halata naman po sigurong hindi ako mahilig sa mga ganoong ayos, hindi ba?"

"Pasensya ka na ineng, pero wala naman akong ibig sabihin sa tanong ko. Part-time ka ika mo? Bakit naman?"

"Para makahanap pa ako ng ibang trabaho, lola." Bulong ko sa kanya sabay ngumiti.

Pagkatapos kumain ni lola ay nagpaalam na ako. Kailangan ko na ulit bumalik sa paglilinis. Pinilit ko pa si lola na ihatid siya pero ayaw niya pumayag. Tinanong ko siya kung anong pangalan niya.

"Lola Mira na lang itawag mo sa akin." Nakangiti niyang sabi sabay dahan-dahang naglakad paalis.



Kael's POV


"Pia, did you already prepare all the papers that she wants?" Tanong ko sa secretary ko.

"Yes, Mr. Alvarez."

Then someone knocks.

"Come in." I said.

"Mr. Alvarez?"

Si Miss Castro pala, ang personal assistant ni Granny. Tiningnan ko kung may nakasunod sa kanya pero wala.

"Where is she?"

"I'm sorry, Mr. Alvarez, but..."

"It's okay." Putol ko sa sasabihin niya. I'm already expecting this.

"I'm sorry, sir."


Sabay-sabay pa kaming napatingin nang bumukas ang pinto.

"What's going on?" 

Tumango ako sa dalawang secretary na nasa loob and they immediately left my office. I sighed. I kissed her on her cheeks and looked at her.

"So, how's my granny in disguise? Look at you, Granny. Do you really have to wear that?"

Lahat ng mga nagiging bagong empleyado ng company ay dumadaan sa test ni Granny. I don't know how she's doing her tests. But one thing is for sure, if you fail, then you're fired.

"Well I might say, this is one of the best days of testing new employees I ever had."

"Hmm? Does it mean everyone pass your test?"

Natatawang umiling lang siya. Oh poor ones. Hindi pa rin pala.

"Hindi ko talaga maintindihan, Granny. Why do you really have to do that until now?"

Nagkibit balikat lang siya.

"Apo, nananatiling successful ang pamilya natin sa business na ito not only because magaling ang pagpapatakbo natin dito, but also because we have good and kind-hearted employees. In our company, I don't need a good face... I need a good attitude."

Hindi na ako kumibo. Ito rin naman talaga ang isa sa signature qualities of all malls under our company. Napangiti naman si Granny na makitang hindi na ako umapela. Alam niyang nanalo na naman siya ulit sa akin.

"Well I guess I have to go now, my poging apo. I got a little tired sa baba kanina. I'll just give to your secretary the list of those who did not pass to me."

Napailing na lang ako pagkalabas niya ng opisina.




My Granny. My unique Granny.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant