Chapter 16

12.6K 380 9
                                    

16


Jojo's POV


Kaasar na buhay ito ohh. Sabi ko na nga ba at hindi talaga ako makakatulog nito.

"Oh Jo, sobrang aga mo naman yata ngayon? Alas kuwatro pa lang ng umaga ahh." Tanong sa akin ni Tiyang.

"Oho, Tiyang. Maaga ho kasi akong pupunta sa mall ngayon para maaga ako matapos. May kailangan pa kasi akong gawin."

Kahit ang totoo, ayaw ko lang naman maabutan si Kael sa opisina. Masisiraan yata ako ng ulo kapag makita ko siya. Naiisip ko pa nga lang ang itsura niya, ang bilis-bilis na agad ng tibok ng puso ko. Anak ng teteng naman kasi. Ganito ba ma-in love? Badtrip ang feelings ahh.

"Osya, mag-almusal ka na muna bago ka umalis. Mukha ka ng bangkay diyan sa itsura mo."

"Opo, Tiyang."


Pagkatapos ko kumain ay bumalik ako ulit sa kwarto. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha na ba talaga ako bangkay? Hindi ito pwede.

Tiningnan ko nang maigi ang mukha ko sa salamin. Wala pa naman akong pimples. Mabuti na lang din at mestisa ako kaya natural na mapula ang pisngi ko. At humahaba na rin ang buhok ko. Hindi ko siguro napapansin dahil palagi kong pinupusod para hindi makasagabal sa trabaho ko.

Halos ihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Ano ba itong ginagawa ko? Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa itsura ko? Haaay. Makaalis na nga. Masisiraan na yata ako ng bait.

Lord, huwag niyo muna ho ako hayaang mabaliw. May pamilya pa po akong sinusuportahan.


Sarado pa ang karamihan sa mga establishments, kabilang na ang mall na pinagtratrabahuan namin nina Topeng at Andrea. Pero hindi mahirap sa akin ang makarating ng 6th floor kahit sarado pa ang mall. May sariiling elevator naman kasi ang opisina ni Kael at magagamit lang iyon kung may key card ka.

Wala pang alas syete ng umaga, natapos ko na ang paglilinis. Agad na akong umalis. Alas onse pa ang sunod na duty ko. Saan ako tatambay nito?

"Jojo? Ineng!" Dinig kong tawag sa akin ng isang matandang boses galing sa likuran ko. Lumingon ako at nagulat.

"Lola Mira!" Hindi ko napigilang yakapin siya.

"Kamusta na po kayo, Lola? Tagal na ho mula noong huli ko po kayong nakita sa mall."

Ngumiti lang siya sa akin at tumango. Medyo naninibago ako kay Lola Mira ngayon. Siguro ay dahil medyo iba ang ayos niya ngayon. Simple pa rin naman kaso mas maayos lang siguro talaga ang pananamit niya ngayon kumpara noong una kaming nagkakilala.

"Eh ikaw, ineng? Kamusta ka naman?"

"Kagagaling ko lang ho sa mall, Lola. Naglinis." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ng ganito kaaga?" Gulat na tanong niya.

Kinuwento ko sa kanya ang pag-assign sa akin papunta sa opisina ni Mr. Alvarez. Tuwang-tuwa rin naman siya sa kanyang naririnig.

"Naku, Lola. Kung sino man po iyon si Madame, nagpapasalamat po ako sa kanya ng sobra-sobra. Kung hindi dahil sa paglipat niya sa akin sa ganoong trabaho, hindi pa po ako magkakaroon ng chance para magkaroon ng dalawang trabaho pa."

Halatang nagulat naman si Lola Mira sa sinabi ko.

"May dalawang trabaho ka pa?"

Nakangiting tumango naman ako.

"Opo. Eh alam niyo naman po, hindi rin naman po ganoon kalakihan ang sahod ko. Kailangan ko pa po ng extrang trabaho dahil sinusuportahan ko po ang dalawa kong kapatid pati na rin po ang nanay ko."

"Maswerte sila sa'yo, ineng."

"Swerte rin naman ho ako sa kanila, Lola."

"Osige. Magmeryenda muna tayo, ineng. Pambawi ko sa mga libre mo sa akin." Natatawang sabi niya.

Nagulat naman ako sa ginawang pagyaya ni Lola sa akin na nahalata rin yata niya. Ngumiti siya sa akin.

"Kasama ko na kasi ang anak at apo ko sa bahay namin ngayon. Kaya maayos na ako."

Ahh. Kaya pala.


--------



Ilang araw na akong hindi nagpapakita kay Kael.

Oo na. Iniiwasan ko siya. Natatakot na kasi ako sa nararamdaman ko eh. Baka mas lalo pang lumala kapag lagi ko siyang nakikita. Ilang beses na rin akong naka-receive ng text messages galing sa kanya pero hindi ako sumasagot. Hindi dahil sa nagmamaganda ako. Sino ba naman ako, di ba? Pero hindi ko rin naman alam isasagot ko.

Ilang beses ko sinubukan mag-reply kaso ang ending palagi ko lang din binubura. Hanggang sa hindi na ako nakareply. Ang hirap pala. Kahit nakakapagod ang maghapon kong trabaho, palagi pa rin akong hindi nakakatulog.

Hirap akong makatulog. Parang ang busy-busy masyado ng isip ko kahit gusto na magpahinga ng katawan ko.

Naglalakad na ako pauwi galing sa trabaho ko sa gasoline station. Pasado alas onse na rin ng gabi.

Tumunog ang cellphone ko.


From: Kael?

Are you free?

-   Kael


Nagtext na naman siya. Napabuntong na lang ako ng hininga. Ibinalik ko na lang ulit ang cellphone ko sa bulsa.

Malapit na ako sa bahay ng mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyan. Alam kong sasakyan niya iyon.

Nakita ko siyang nakatayo sa labas at nakasandal sa pinto ng sasakyan habang tinitingnan ang hawak niyang cellphone, saka siya may tinawagan. Laking gulat ko nang tumunog ulit ang cellphone ko sa bulsa. Narinig niya iyon kaya agad siyang napatingin sa direksyon ko.

Okay, what to do now? Lupa! Bumukas ka!

Pero hindi naman mangyayari iyon kaya alanganin na lang akong ngumiti at lumapit sa kanya.


"Hi?" Naiilang na bati ko rin sa kanya.


Tiningnan ko siya.


Ang lalim ng mga mata niya. Parang hindi siya natutulog.

Hindi rin siya ngayon ang Kael na masayahin ang aura.



Ano'ng nangyari???

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now