Chapter 15

13.5K 374 6
                                    

15


Jojo's POV


Haaay ang puso ko, parang may sariling utak. Kanina pa siya sumasakit. Naiirita na ako. Wala tuloy ako sa mood. Eh sa may Sherlyn naman na kasi bago pa kami naging magkaibigan.

Ano ba naman itong pakiramdam na ito? Masyadong pambabae.

"Uy, Pards! Dumating ka na!" Pasigaw na bati sa akin ni Andrea.

Tiningnan ko naman siya. Magkatabi sila ni Topeng.

"Oh. Kanina pa kayo nakauwi?"

"Oo, Tid." Tipid na sagot ni Topeng.

"Eh bakit nandito ka? Wala kang bahay?" Tanong ko sa maingay na babae habang kumukuha ako ng maiinom.

Ngumuso lang ito at pairap akong tiningnan.

"Bakit? Masama bang tumambay sa bahay ng boyfriend ko?"

Halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko. Joke ba iyon? Tumawa na lang ako.

"Hoy Jojo, may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Seryosong tanong ni Andrea.

Napaseryoso na rin ako saka tumingin kay Topeng. Umupo ako sa harapan nila.

"Tid, baka gusto mong magpaliwanag?"

"Hoy grabe ka Jojo ahh! Parang sinasabi mong tutol ka sa akin para kay Topeng ahh."

"Ingay mo, Andrea. Hindi ikaw kausap ko. Oy Tid, magkwento ka."

"Tuma-timing naman ako, Tid, para sabihin sa'yo kaso..."

"Kaso masyado ka ring busy diyan sa lovelife mo kaya hindi mo na kami napapansin ni Tid mo." Singit ni Andrea.

Tumango naman si Topeng. Ganoon na ba iyon? Natahimik ako saglit. Sabagay tama nga naman siya, puro si Kael na lang ang nasa isip ko nitong mga nakaraang araw.

Napahinga ako nang malalim.

"So kailan pa naging kayo?"

"Last week." Sabay na sagot nila.

Napangiti na lang ako.

"Edi congrats!" Natatawa kong sagot.

Hindi naman na kailangan palakihin ang usapan. Masaya naman sila. Pagkatapos namin kumain ay hinila agad ako ni Andrea pabalik sa sala. Nakisali rin si Topeng.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Kwento ka na dali." Excited na utos niya sa akin.

Tiningnan ko si Topeng, sabay balik ng tingin kay Andrea.

"Alam ko nangyayari sa'yo, Tid. Nakakatampo ka na rin eh." Pabirong sabi ni Topeng.

Tiningnan ko nang masama si Andrea.

"Si Topeng naman iyan. Tsaka huwag kang mag-alala, hindi naman iyan nagtatampo sa'yo. Sinabi kong pang girl thing lang kasi iyon kaya hindi mo pa masabi."

Nakita kong nagpipigil na matawa si Topeng. Alam kong doon siya sa "girl thing" na sinabi ni Andrea gusto matawa. Sino ba naman kasi mag-aakala? Inirapan ko si Topeng kaya umayos naman siya agad.

"So kwento ka na dali."

Kinuwento ko nga sa kanila ang buong kwento hanggang sa nangyari kanina. Hindi makapaniwala si Andrea sa mga narinig niya habang akala mo eh gustong maihi sa kilig. Si Topeng naman, ngingiti-ngiti lang. Parang mga tanga. Bagay nga maging magjowa. Tsss. Tahimik na ako dahil naalala ko na naman iyong kanina.

Habang si Topeng ngingiti-ngiti pa rin.

"Oy, Tid. Ngingiti-ngiti ka diyan? Mukha ka ng tanga, 'lam mo ba iyon?"

Napailing lang siya.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala, Tid. Ganyan ka pala ma-in love? Perstaym 'to, Tid. Naaamaze ako. Perstaym ehh." Pang-aasar niya.

Binato ko siya ng unan sa upuan.

"In love ka diyan. Sipain kita diyan eh."

"Eh ano'ng tawag mo diyan, Pards? Infatuation? Yuck huh! 20 plus ka na ate para sa infatuation. Huwag kang ano!" Pang-aasar ni Andrea.

Bakit ko pa kasi sinabi sa dalawang ito? Wala naman yatang matinong maitutulong ang mga 'to.

"Pero heto na. Seryoso na, Pards. Sa tingin ko nagseselos ka na talaga doon sa Sherlyn na iyon. Nagseselos ka dahil may gusto ka na kay Mr. Alvarez, which is hindi naman nakakapagtaka. Hello? Mr. Alvarez iyon ate!"

Ako? Nagseselos?

Tiningnan ko si Topeng na tatango-tango at parang sumasang-ayon talaga sa mga sinabi ni Andrea.

"In love? Selos? May gusto? Joke time ba 'to?"

Napailing naman si Andrea sabay sabing, "Denial stage."

Natawa naman si Topeng. Pag-untugin ko kaya itong dalawang 'to.

"Alam mo, Pards, when we start being friends with an opposite gender, we became close to them. And being close to that person is also the start of being in love secretly and unexpectedly."

"Katulad sa inyong dalawa?"

"Exactly. At hindi lang kami, mostly pati rin sa iba. 'Yan tayo eh."

"Hindi ko ma-imagine na mangyayari sa akin ito."

"Ako rin." Natatawang sabat ni Topeng.

"Haay ewan. Itutulog ko na lang ito. Sige mauna na ako sa inyo. Kapagod talaga ang araw na 'to tsaka maaga rin ako bukas."

Tumango naman ang dalawa.


Ilang minuto na akong nakahiga sa kama ko. Pagod ang buong katawan ko at gusto ko ng magpahinga, pero gising na gising naman ang utak ko. Hindi pa rin ako makatulog.

Ano ba naman to ohh! May gusto na nga ba ako kay Kael? Paano ba nalalaman iyon? Haaaay naman. Nakakainis. Biglang tumunog ang cellphone ko. Sino naman ang magtetext ng ganitong oras? Umupo ako sa gilid ng kama saka ko kinuha ang cellphone ko sa lamesa.

Unknown number. Baka spam texts na naman.

Halos maibagsak ko ang cellphone ko nang makita ko ang laman ng text. Tiningnan ko ulit kung tama nga ang pagkakabasa ko. Hindi nga ako nagkakamali.


From: +63915xxxxxxx

Hey :) Sorry about earlier.

Hope to see you in the office tomorrow.

Good night!

-    Kael



Siya ba talaga ito???

Bakit siya may number ko??

Naman ohh! Paniguradong magdamag na akong mulat nito.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon