Chapter 33

10.5K 341 44
                                    


[33]


Jojo's POV


"So hindi ka pa rin talaga magsheshare?"

Umiling ako bilang pagsagot.

"Grabe, Marie Joy! Ang damot mo sa info!" Pagmamaktol ni Michelle, pero mas pumantig ang tainga ko sa narinig kong itinawag niya sa akin.

"Isang beses pang marinig ko sa dila mo ang tinawag mo sa akin, makakatikim ka talaga!"

Halos maiiyak naman siyang ngumuso at umupo sa bench malapit sa gate ng school.

"Ikaw naman kasi eh! Tatlong araw na kitang kinukulit. Ikuwento mo na kasi nangyari sa party. Ikaw na nga ang bukod na pinagpala sa babaeng lahat, tapos para isang kwento lang ayaw mo pa. Share your blessings naman!"

"Tigilan mo nga ako. At anong pinagpala sa babaeng lahat? Siraulo ka talaga."

"O 'di ba ikaw naman talaga iyon? Si Mama Marie Joasdfghjklasdgh... Araaaay!"

"Ang gago mo, Michelle! Akala mo talaga hindi ko dudukutin 'yang dila mo kapag binanggit mo pa ulit buong pangalan ko?"

"Kadiri ka, Jo! Ang pait ng daliri mo!"

"Oo naman. Alam mong kagagaling ko lang sa banyo..."

"Yaaaaaak! Kadiri ka talaga! Pwe pwe pwe!"

Ang lakas lang ng tawa ko habang hindi niya alam paano lilinisan ang bibig niya. Sus! Siyempre biro lang iyon. Malinis ako sa katawan at paligid ko. Para saan pang janitress ako sa opisina ni Kael.

Tatlong araw na rin pala mula noong gabi ng party.

Pero pakiramdam ko pa rin kani-kanina lang lahat nangyari.

"Oh tapos ngingiti-ngiti ka diyan mag-isa? Sige na kasi, Jo. Kwento ka na para may karamay kang kiligin! Hindi ka pa magmumukhang tanga."

Tiningnan ko lang siya nang masama.

Pero nakapagtataka lang kasi dahil after ng party, hindi ko pa siya ulit nakikita.

Kahit si Michelle mukhang nasanay na makita siya after ng last class namin. Ang daming oras kasi ni Kael mangulit kapag gabi, kaya napansin niya rin agad na walang Kael na sumusulpot sa harap namin paglabas namin sa gate ng campus.

Baka masyadong busy sa business niya.

"Sino na nga pala magiging instructor natin sa isang subject natin sa management class? Eh hindi ba mawawala si Prof. Cruz dahil sa research presentation niya sa US?" Tanong ko kay Michelle.

Naalala ko na wala pala yung professor namin sa isang subject.

"Sus, iniiba mo lang ang topic eh. Pero oo nga pala, narinig ko kanina na may substitute college instructor na para kay Prof. Cruz. Usap-usapan kanina sa cafeteria ng mga students sa day class iyong sub niya. Ngayon ang first day niya."

Tsismosa alert. Tsismosa alert.

Diyan expert si Michelle eh.

"Oh? Dalawa lang rason niyan. It's either mas istrikto siya kay Prof. Cruz o mas mabait siya." Si Professor Cruz kasi ang isa sa kinakatakutan ng mga management students dito sa campus. Pero kapag nalampasan mo siya, tataas ang confidence mo na deserving ka talaga maging part ng course mo.

"Agree ako diyan. Pero based sa reaction ng mga students sa management class ng pang-umaga, mukhang mas bata kay Prof. Cruz."

"Malalaman natin mamaya sa class."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now