Chapter 34

12.2K 348 71
                                    

34


Jojo's POV


"Shocks, Jo! Hindi pa rin ako makamove-on. Ang generous talaga ni Lord. Parang kanina ang hinihiling ko lang ay sana kahit kasing gwapo lang si Sir Michael pero kita mo? Si Sir Michael pa mismo ang binigay niya! Lord! The best ka po talaga!" Ang ingay talaga ng babaeng ito.

Hindi na lang ako kumibo.

Bakit nangyayari lahat ito? Ilang araw siyang hindi nagpapakita tapos kung kailan siya nagpakita, with a great revelation pa? Ayos naman talaga.

"Huy, Jojo! Ang lalim naman ng iniisip mo? Dapat nga ikaw ang pinakamasaya eh."

"Hindi ko kasi maintindihan eh. Paano siya naging kapalit ni Prof. Cruz? At saka businessman si Kael, nagpapatakbo ng kompanya... haaay ewan. Bakit ba ako napalilibutan ng mga sakit sa ulo?" Inis na sabi ko.

Haay. Ayaw ko na nga mag-isip.

Bahala siya kung anong trip niya sa buhay niya.

"Eh paano 'yan, Jo? Dati ako lang dito sa school ang napapantasya kay Sir Michael since ako pa lang ang nabiyayaan ng pagkakataon na makilala siya, kaya ako lang karibal mo. Pero ngayon, mukhang lahat na ng babae sa school karibal mo na."

Tiningnan ko siya nang masama.

"Anong karibal ang pinagsasabi mo diyan? Baliw ka lang."

"Talaga? Idedeny mo pa rin na wala kang feelings kay Sir Michael?"

"Hindi ko kailangan mag-deny dahil wala naman akong idedeny. Mas marami lang talaga kayong nilalang na marurumi ang pag-iisip. Lahat na lang sa inyo may malisya." Inis na sabi ko.

"Talaga? So okay lang sa'yo kahit marami ang magkagusto sa kanya?"

"Sus. Pakialam ko." May paki ako. Pero hinding-hindi ako magpapahuli rito kay Michelle.

"Kahit makita mo nangyayari sa paligid ngayon?"

Napakunot naman ang noo ko.

Sabay ngumuso siya para ituro ang mga tao sa paligid. Nakita ko si Kael na palabas ng Admin building. At sa isang segundo lang ay nakuha niya lahat ng atensiyon ng mga babae sa school.

Estudyante o hindi. Basta babae. Kahit mga nagpapanggap na babae o mga tunay na kalalakihan ay napapalingon sa gawi niya. Aba hanep! Legit ang pagiging head turner niya.

Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang nasa mukha ko ngayon pero nakita kong inoobserbahan ako ni Michelle kaya tinuktukan ko na lang siya.

"Sa itsura mo, hindi ka nga affected." Alam kong sarkastiko ang pagsabi niya. Hindi na lang ako sumagot para matapos na.

"Umuwi na tayo. Ano'ng oras na. Maaga pa trabaho ko bukas." Sabi ko.

"Naman eh. Nag-eenjoy pa akong panoorin mga itsura nila. Para lang akong nasa movie sa mga nakikita ko. Sabagay, ganyan din itsura ko noong una kong nakita si Sir Michael." Natatawang sabi ni Michelle.

"Tigilan mo na nga kapapansin diyan at saka hindi na bago kay Kael 'yan. Sanay na siya sa ganyan kaya tingnan mo mas malaki na ulo niya kaysa sa katawan niya. Mas malala pa nga mga reaksyon ng mga tao noong party." Napatigil na ako dahil halos madulas na ako.

"Ayiiiii Jojo! Magkukuwento na 'yan... dali na. Kwento ka na kasi."

"Uwi na tayo."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now