Chapter 3

18.7K 427 23
                                    

3


Kael's POV


Langya naman kasi itong si Paul. Tama bang isubo ako sa biglaang emergency meeting? Bigla-bigla na lang kasi nagbabakasyon nang walang paalam.

Kung hindi ko lang best friend ang mokong na iyon. Nagmadali ako para lang ma-boring sa meeting na ito? Eh ako lang ang gwapo at puro mukhang magreretiro na mga kasama ko rito. Muntik pa akong makasagasa kanina. Aba, ayaw kong magka-criminal record ang isang kagaya ko.

Nakakabawas ng kagwapuhan iyon!

"Pia..."

"Yes, Mr. Alvarez?"

"Alamin mo nga kung saan papunta ang flight ni Paul, kung saang lugar."

"Noted, Sir."


Ilang sandali lang din at may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Sir?"

"Yes, come in."

"Natanong ko na kung saan papunta ang flight ni Mr. Alcantara."

"Where?"

"Zamboanga City. He's with his secretary, Miss Arpiza."

Napatango lang ako.

"Okay, thanks."

Zamboanga? If I'm not mistaken, it is Sherlyn's hometown. Napailing na lang ako. Ano iyon? Mamanhikan na ang kaibigan ko sa pamilya ni Sherlyn?

Si Paul para-paraan rin. Mana talaga sa akin. Pero saglit rin akong natahimik.



Jojo's POV


"Jojo! Anak!" Sigaw sa amin ni Tiyang Melina ng makita niya kami ni Topeng.

"Tiyang/Nay!" Sabay din naming tawag ni Topeng.

Nagmano muna kami ni Topeng kay Tiyang Melina at Tiyong Ariel, saka pumasok sa loob ng bahay. Ilang oras din kaming nagkuwentuhan at pinakilala kami nina Tiyang sa ilang mga kapitbahay namin.

"Mabuti pa magpahinga na kayo. Sigurado akong pagod kayong dalawa."


Kinabukasan...


"Jojo! Topeng!"

Sabay naman kaming napalingon ni Topeng sa pintuan. Kasalukuyan kasi kaming nag-aalmusal.

"Bakit, Nay?" Sagot ni Topeng kay Tiyang.

"Lumapit muna kayo saglit..."

Lumapit din naman kami ni Topeng at saka namin napansing may kasamang babae si Tiyang.

"Heto nga pala si Andrea. Ka-edaran niyo lang din siya."

Nakipagkamay naman kami sa kanya. Tiningnan niya ko nang maigi.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ah wala naman. May lahi ka ba? American? Ang puti mo kasi talaga."

"Siguro?" Napakibit-balikat na lang ako. Hindi ko rin naman talaga alam eh.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now