Chapter 17

13K 375 9
                                    

17


Jojo's POV


"Hi?" Naiilang kong bati sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit habang siya naman ay nananatiling nakasandal sa pinto ng kotse niya. Halatang-halata ang lalim ng mata niya. Natutulog pa ba 'to?

Tumingin ako saglit sa loob ng bahay at nakita ko sina Topeng at Andrea na pasilip-silip sa amin. Sinenyasan ko silang dalawa at ngiting aso naman silang pumasok sa loob.

"Jo, may problema ba tayo?" Tanong niya sa akin pagkatabi ko sa kanya at pagkasandal ko rin sa kotse niya.

Tumingin ako sa kanya. Ano nga ba dapat kong sabihin?

"Wala naman. Bakit mo nasabi?"

"Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako."

"Huh? Hindi ah. Nagkataon lang siguro na mabigat itong mga nagdaang araw." Palusot ko na lang na sana umubra sa kanya.

"Ganoon ba." Malungkot na sabi niya.

Bakit ba iba talaga ang aura niya ngayon? Parang may mabigat siyang dinadala.

"Kael, may problema ba? Alam mo namang masasabihan mo ako, di ba? Tsaka kung may maitutulong ako, kahit ano basta sabihin mo lang."

Ngumiti siya sa akin. Saglit na napatigil din ako sa paghinga. Bakit ba hilig niya kasing gawin iyan?

"Nagkaroon lang ng kaunting problema these past few days."

"Haysus, iyang kaunting problema sa iyo alam kong mabigat 'yan. Ano ba nangyari?"

He smiled to me. Saka saglit na tumahimik ulit.

"My best friend Paul and our other friend were sent to the hospital and hanggang ngayon, pareho pa rin silang nasa critical state."

"Bakit naman?"

"There was an accident. Paul got shot by a gunman while nasagasaan naman si Nichole..."

Halos lumaki ang mata ko sa narinig ko. Grabe. Akala ko sa action movie lang ang mga ganoon. Nakita kong hinihilamos ni Kael ang kamay niya sa mukha niya.

Kinuwento niya sa akin ang mga nangyari sa kanila.

"Kung mas maaga lang akong nakarating... edi sana... sana..."

Hindi ko alam kung anong ispiritu ang sumapi sa akin, basta parang may bigla na lang nagtulak sa akin para yakapin siya. Ni hindi ko ma-imagine na makikita ko ang isang Michael Alvarez sa ganitong paraan. Unang pagkakataong nakita ko siya na halos umiyak.

Ilang sandali rin bago ako kumalas sa pagyakap sa kanya.

"Thank you, Jo. Thank you."

Ngumiti lang ako.

"Kailan pa ba nangyari 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Three days ago."

"Sa tingin ko wala naman na tayong ibang magagawa kundi ang maging mas strong ka para sa kanila. Para paggising nila, makita nilang matatag kayong naghihintay sa pagbabalik nila."

"Kung hindi lang..."

I stopped him from what he wants to say.

"Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo, Kael. Sigurado akong iyan din ang bagay na ayaw ng best friend mong gawin mo."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now