Chapter 19

12K 381 14
                                    

19


Jojo's POV


"L – Lola Mira??" Gulat na tanong ko. Pero mukhang hindi naman siya nagulat dahil kampanteng nakangiti lang siya sa akin.

"Ohh. Hi, Jojo!" Nakangiting bati niya.

"Jojo? Granny? Magkakilala kayo?" Kunot-noo naman tanong ni Kael na ngayon ay nakatayo sa likod ni Lola Mira. Ganoon din sina Miss Pia at Miss Castro na tila nagtataka sa amin ni Lola Mira.

"Yes, hijo. I'm the one who transferred her here, remember?"

Halaaa. Ibang iba ang nakikita kong Lola Mira ngayon at ang sosyal ng pagkakasabi niya. Tunog-mayaman talaga. Iba sa Lola Mira na minsan kong nakakasama.

"But how?" Kunot-noo pa ring tanong ni Kael.

"I'll explain it to you later, apo. But for now, let me borrow this young lady first. I need to explain to her more, okay? See you at home."

At nagbeso na si Lola Mira kay Kael. Saka naman niya mahinhin na hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas sa opisina.

Hindi ko na rin napansin ang pagsama ko dahil na rin siguro sa sobrang pagkabigla ko.


+++


"Galit ka ba sa akin, hija?" Tanong sa akin ni Lola Mira.

Dito ako sa sarili niyang opisina sa bahay nila dinala. Ang sosyal talaga ng pamilya nila.

"Nabigla lang po ako, Lola... I mean, Madame..."

Totoo naman. Nagulat o nabigla siguro, pero sa laki ng naitulong sa akin ni Lola Mira/ Madame, sino ako para magalit sa kanya?

Mas lalo naman siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Lola Mira pa rin ang itawag mo sa akin. Ikaw lang kasi ang tumatawag sa akin niyan. Well of course, except my grandson who calls me Granny and my son, all of them called me Madame. So every time you call me Lola, I feel like I'm just a typical grandmother and I like it."

"Naku parang mahirap naman po yata iyon. Kayo po ang may-ari ng mall na pinagtratrabahuan namin."

"Then don't think of me as one. Anyway, ang anak at apo ko naman na talaga ang namamalakad sa kompanya."

"Lola..."

"Ano iyon, hija?"

"May gusto lang po sana akong itanong..."

"Sure, anything."

"Bakit sa dinami naman po naming nakapasa sa test niyo, ako po ang tinulungan niyo?"

Ngumiti na naman siya sa akin.

"Do you know one of the gifts that old people like me have? Iyon ay kumilala ng mga taong nasa harapan namin and I saw how good and clean your heart is, Jojo."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Lola.

"Nawalan naman po ako ng masasabi doon, Lola..."

Natawa naman si Lola Mira.

"So, ako pa rin ang Lola Mira mo huh?"

Nakangiting tumango naman ako.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora