Chapter 9

14.4K 397 5
                                    

9


Jojo's POV


Hindi ko pa rin maintindihan bakit ganoon ang naging pakiramdam ko kanina. Siguro ay hindi ko lang inaasahan na alam pala ni bossing ang pangalan ko.

"So everytime na natatapos kang maglinis sa opisina, dito ka na tumutuloy?"

Si Mr. Alvarez iyon. Oo, kasama ko siya rito sa kainan na pinapasukan ko rin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

Nakakailang naman kasi. Kahit na kainan nga ito, hindi naman ito first class restaurant na siguradong madalas kainan nitong boss ko. Bakit naman kasi natripan niyang subukan puntahan ito. Sabagay, mas ayos naman mga pagkain dito kaysa sa binabalik-balikan niyang cup noodles sa 7eleven.

"Sir, sigurado po kayong okay lang sa inyo na kumain kayo rito?"

Tiningnan naman niya ako nang masama. Hala. Nagtatanong lang naman.

"Sorry, sir. Para naman po kasing hindi bagay sa inyo ang ganitong kainan."

Natawa naman siya. Nagbalik na siya sa normal na siya. Huminga na lang ako nang malalim saka tumayo at ngumiti.

"Ano po ba ang gusto niyong kainin, sir? Ako na lang po ang magseserve sa inyo."

Umarko na naman ang kilay niya.

"Akala ko ba mamaya pa ang duty mo rito? Bakit ikaw ang magseserve?"

"Okay lang, sir. Pwede naman akong mag-start nang maaga."

Ang totoo ay kanina pa kasi kakaiba ang tingin ng mga katrabaho ko rito. Mga ngiting aso pa ang mga loko.

"Sumabay ka na sa akin mag-lunch bago ka magtrabaho riyan."

"Huh?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Parang walang ngumiti lang siya at tumango.

"Ay naku. Hindi na po, sir."

"Sige na. Isipin mo na lang na pasasalamat ko sa pakikinig mo sa akin kanina."

"Okay lang naman po iyon, sir."

"I insist." Seryosong sabi niya sabay turo sa upuan sa harap niya. Natinag naman ako at agad akong umupo.

"Sabi niyo nga po, sir. Hindi na po ako papalag baka mawalan pa ako ng trabaho."

Natatawang napailing naman siya at tinawag na ang isa sa mga kasamahan kong waitress. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong i-order.

At sa ganitong sitwasyon na boss mo ang kasama mong kumain at nagtatanong sa'yo, siyempre nakakahiya. Dahil dito rin naman ako nagtratrabaho, alam ko kung anu-ano ang nasa menu at pinili ko lang ang pinakamura. Kung pwede ngang tubig na lang para mabilis maubos, libre pa!

Kaso nahalata naman niya yata iyon at kinuha niya sa akin ang hawak kong menu. Siya na ang umorder at pinili niya talaga iyong pinakamahal. Para namang makakakain ako nang maayos.

Sa tuwing magseserve sa amin ang mga kasamahan ko, pasimple silang nang-aasar at ngumingiti nang nakakaloko. Pasimple ko na lang din silang sinisipa sa paa para manahimik.

"So dalawa pala ang trabaho mo?" Tanong niya habang kumakain.

"Tatlo po, sir."

"Tatlo?"

Gusto ko naman matawa dahil napahinto talaga siya sa pagsubo. Tumango naman ako.

"Opo, sir. Nagtratrabaho rin po ako diyan sa may malapit na gasoline station." Sabay turo doon dahil tanaw din naman mula rito sa kainan.

"Three jobs per day? Paano iyon?"

"Kapag umaga po, naglilinis ako sa opisina. Weekdays ng 11am-8pm, nandito po ako nakaduty sa restaurant. Tapos kapag weekends naman po sa gasoline station. Minsan kapag kaya pa naman po ay nag-oovertime ako roon. Hindi naman po ako gumagastos sa pamasahe dahil magkakalapit lang 'yung tatlong trabaho ko at malapit lang din po sa tinutuluyan ko."

"Wow. Just wow."

"Kailangan lang po talaga, sir. Para hindi huminto sa pag-aaral ang mga kapatid ko."

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Tatlo po, sir. Ang isa magkokolehiyo na at ang isa naman po nasa high school."

"Hmm breadwinner?"

Tumango naman ako.

"I'm really amazed. I know na demanding na ang isang trabaho. What more kung tatlo pa, 'di ba?"

Napangiti naman ako. Parang ang gaan-gaan kausap ni Mr. Alvarez. Bago mag-alas onse ng tanghali ay nagpaalam na si sir. Alam niya rin kasing oras na ng duty ko sa restaurant.

Hinatid ko muna siya sa labas kung saan nakapark ang sasakyan niya, saka ako nagpasalamat at nagpaalam. Bago siya sumakay sa sasakyan niya, narinig ko pang tumunog ang phone niya.


"Hello, Nics... Really? You're here?... Saan ka ngayon?... Okay, hintayin mo ako."


Rinig kong sabi niya bago tuluyang sumakay at pinaandar ang sasakyan.

Hindi ko maintindihan pero parang may part sa akin ang nalungkot. Ano ba naman 'to. Parang hindi ko naman na pagmamay-ari ang katawan ko.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Huminga ako nang malalim saka dumiretso sa locker room kung nasaan ang uniform ko bilang waitress.

Gaya ng inaasahan ko, inulan ako ng pang-aasar ng mga kasamahan ko at nakatanggap ako ng thousands of questions at a time.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now