Chapter 39

5.6K 193 23
                                    

39

Jojo's POV


Ilang linggo matapos niya sabihin ang "I think I like you," ay hindi na nagparamdam ang mokong. Hindi na nagtext o tumawag.


Kung nagsisisi siya sa sinabi niya, sana kausapin niya ako. Kahit may bahagi sa puso ko na gustong umasa na magustuhan niya ako ay alam ko naman din kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa buhay niya.


Kausapin niya ako nang maayos.


Alam kong nakabalik na sila ni Paul dito sa Pilipinas. Nagkita kami noong isang linggo nina Pia at Sherlyn kaya sa kanila ko rin nalaman. Ano'ng problema? Sino ang hindi mag-iisip ng kung anu-ano ngayon?


Mababaliw na ako kakaisip. Hindi naman ma-contact.


Gusto ko na lang mapag-isa.
Sa kalalakad-lakad ko, napadaan ako sa isang restobar.


Mukhang maganda ang banda nila ngayong gabi. Makainom nga kahit saglit.


Pumasok ako at pinili ko ang isang pwesto ng table for two sa dulo. Wala pa masyadong tao sa bandang iyon ng restobar. Medyo maaga pa rin naman kasi. Dalawang beer lang ang inorder ko. Wala naman akong balak magpakalasing.


Tiningnan ko ang cellphone ko.


From: Onel
Psssst Tombs! Saan ka?


Aba talaga. Nawiwili na itong baklang 'to sa katotomboy sa akin ah.


To: Onel
Paki mo ba Baks? Mamamatay ka na ba kung hindi ko sabihin sa'yo?


Pagkasend ko, binaling ko na ulit ang atensyon ko sa banda na nasa harapan.
Ang lamig ng boses ng babae. Sana hanggang mamaya ay siya na lang ang kumanta.


Mayamaya, nag-vibrate ulit ang cellphone ko na nakalapag lang sa lamesa.


From: Onel
Hahahahaha! Wow. Tombs at Baks! Endearment na ba natin 'to? Kung sabihin kong ikamamatay ko kapag hindi ko nalaman, sasabihin mo na ba? *insert gwapo na cute pang puppy eyes* Hahahahahaha.


Abnormal na bakla.


To: Onel
Hindi. Para mamatay ka na! Ngayon na sana mismo! Tsss. Huwag ka na nga muna istorbo sa iniinom ko.


Haaay. Bakit ba ang iritable ko ngayon?
Kawawang bakla. Napagbubuhusan ko tuloy.


From: Onel
Ay grabe naman siya. Saan ka nga?


Hindi ko na nireplayan.


Mayamaya, sunud-sunod na nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko.
Ay walanghiya talaga.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon