Chapter 10

15K 422 5
                                    

10


Jojo's POV


Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko naaabutan sa opisina si Mr. Alvarez. Madalas si Miss Pia lang ang nakikita ko.

Teka nga? Bakit ba hinahanap ko si Mr. Alvarez? Dahil ba nilibre niya lang ako minsan, feeling close na rin ako? Minsan nakakainis din itong sarili ko eh.

"Oy, Tid! Ano gusto mong gawin ngayon? Sayang naman ang day off natin ni Andrea kung hindi natin susulitin." Pangungulit naman ni Topeng.

"Kayo bahala, Tid. Okay naman sa akin kahit ano."

"Sige Tid, ipaubaya na lang natin kay Andrea. Marami naman iyong alam."

Napailing na lang ako. Kung hindi lang ako maraming iniintindi, minsan iniisip ko kung ano na bang mayroon sa pagitan ng dalawang ito.

"Siyanga pala Tid, natawagan mo na ba sina Tiyang?"

Tumango naman ako.

"Oh? Anong sabi? Kamusta na raw sila?"

"Ayos naman daw. Naka-enroll na raw si Kristel sa university sa bayan. Si Lester naman sa susunod na araw pa mag-eenroll."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Ano'ng pinag-uusapan natin diyan, mga Pards?"

Sabay naman kaming napalingon ni Topeng sa nagsalita.

Si Daldalita.

Kumunot naman ang noo ko sa tinawag niya sa amin.

"Oy, Andrea! Kailan pa naging Pards ang tawag mo sa amin?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang." Patay-malisyang sagot niya.

"Hayaan mo na, Tid. Malakas na talaga tama niyan."

Pang-aawat sa akin ni Topeng.


---


"Tid, sigurado kang ayaw mo na sumama?" Tanong sa akin ni Topeng. 

Umiling na lang ako. Nakakapagod sila kasama, kung saan-saan nagsisisuot.

"Sigurado ka, Jo?"

Tumango naman ako.

"Oo, mauna na akong uuwi at medyo madilim na rin. Tid, ako na lang bibili ng ulam para kina Tiyang mamaya."

"Sure ka, Tid? Sige, salamat."

Nagsimula na akong maglakad. Naisip kong bumili na lang ng litson manok para ulam sa bahay. Baka nakauwi na sina Tiyang doon.

Gaya ng palagi namang nangyayari, napadaan na naman ako sa 7eleven store. Sa ayaw at sa gusto ko naman, madadaanan ko talaga ito. Naisipan kong bumili na lang din doon ng softdrinks.

"Jojo? Hey..."

Nagbabayad na ako sa counter nang may tumawag sa akin. Napatingin ako sa may-ari ng boses.

Si Mr. Alvarez.

"Sir? Kayo po pala. Magandang gabi po." Bati ko sa kanya.

Napatingin ako sa hawak niya.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon