Chapter 24

12.6K 365 3
                                    

24


Sherlyn's POV


I'm really happy that finally nakilala ko na si Jojo.

Siya kasi ang palaging bukambibig ni Kael. Masyado tuloy kaming na-curious ni Paul. Bukod kasi sa amin nina Pia at Nics, wala na kaming naririnig na ibang pangalan ng babae na malapit kay Kael. Ngayon lang.

Honestly, I'm not surprise na makitang may pagkaboyish si Jojo. Nabanggit na rin kasi siya ni Onel since naging close na rin yata ang dalawa.

She may not be wearing what other girls usually wear, but I can really see how beautiful she is. Nakapusod man ang buhok niya pero may certain attractiveness pa rin siya. Maputi at makinis din ang balat niya kaya parang mahirap maniwala kung hindi mo siya kilala na hindi siya anak-mayaman.

Kagaya ni Kael, parang hindi rin siya pure Filipino. Hindi katulad namin nina Paul at Onel na mukhang Filipino talaga.

"Anyway Jo, half-American ka?" Tanong ko sa kanya.

Nandito kami sa sala ngayon. Pagkatapos kasi namin kumain at magkwentuhan, nag-decide ang mga boys na bumalik sa pool side.

"Oo eh. Amerikano raw ang tatay ko pero hindi na ako nagkaroon ng chance para makilala siya." Sagot niya.

"Oh I'm sorry."

I feel sad. Years ago, I feel the same way pero I'm lucky dahil nakilala at kasama ko na ngayon ang Papa ko.

"Sus okay lang iyon." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Alam mo masaya ako na nakilala ka na namin. Para sa amin part ka na ng barkadahan."

"Sa totoo lang parang awkward. Eh ang bibigtime niyong lahat, samantalang ako hanggang paanan niyo lang."

"Naku akala mo lang iyon. Si Paul, Kael, at ang half-sister ko na si Nics talaga ang ipinanganak na mayaman. Nasa family na kasi talaga nila."

Nakita ko naman siyang napatango. I can see to her face that she's interested to know more about us. But I'll wait for her to ask.

"Nabanggit sa akin ni Kael na kaunti lang daw kayong magkakaibigan. So it means kayo lang apat plus iyong nabanggit mong Nics?"

I smiled.

"Actually, apat lang silang original na magkakaibigan: si Kael, Jake, Nics at Paul. Tapos nadagdag si Pia since she became Jake's wife and then me when I came to Paul's life. Sumunod si James, Nics' boyfriend. Next si Onel when he came here in Manila at naging magkasundo sila nina Paul at Kael, and also Onel is my best friend. And now, you... the new member of our small family."

"Parang ang hirap pa rin makapaniwala na nakakasalamuha ko ang mga ganitong klaseng tao. Parang sa pelikula ko lang kasi napapanood ang mga ganito. Hindi rin pala malabo sa totoong buhay?"

Natawa ako.

"Alam mo Jojo, ganyang ganyan din ang sinasabi ko sa sarili ko dati. Ni minsan hindi ko inasahan na may darating na Paul Alcantara sa buhay ko na siya pa ang naging way para makilala ko ang totoong Papa ko."

She smiled at me.

"Sana ako rin, Sherlyn. Sana kagaya mo rin, may isang taong darating sa akin na magiging way para makilala ko rin ang totoong ama ko."

Hinawakan ko ang kamay niya. Ang gaan-gaan talaga ng loob ko sa kanya.

"I'm sure, Jojo. Tamang timing lang 'yan. Darating at darating din ang pagkakataon na iyan."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now