Chapter 31

11.3K 335 30
                                    


31


Jojo's POV


"Jo, Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Pia.

Ngumiti naman ako sa kanya at saka tumango.

Kami lang nina Pia at Sherlyn ngayon sa table. Iyong tatlong lalaki kasi na kasama namin, dinudumog ng mga ilang kilalang personalidad pagdating sa business. Isipin niyo kahit si Lucio Tan nakita kong nandito sa event na ito ngayon! Ganoong level ang party na ito.

"Naku, masanay ka na. Kapag mga ganitong party, puro business at mga kung anu-anong pagyayabangan ang nagiging usapan ng mga tao dito. Ang iba naman, ito na ang ginagamit na chance para makakuha ng investors sa kompanya nila. At ang number one na in demand ay walang iba kung hindi ang papabols ni Sherlyn!" Natatawang sabi ni Pia.

Ngumiti lang si Sherlyn.

Tiningnan ko ang kinaroroonan nina Kael. Natawa ako ng makita kong nabubugnot na siya at parang wala ng gana sa pakikipag-usap. Kaya siguro ayaw niya umattend sa party na ito, maraming nakakatalo sa kanya pagdating sa payabangan. Hahaha.

"Sina Kael at Paul ang best tandem pagdating sa business. Kaya nag-uunahan ang lahat na mapa-oo sila sa mga business deals. Kaso ito rin ang time na kinukumpara si Kael kay Paul pagdating sa galing ng mga tao, lalo na ng Daddy ni Kael." Dugtong naman ni Pia.

Sabay kaming napatingin ni Sherlyn sa kanya.

Tipid na ngumiti lang si Pia sa amin.

"Haaay 'yang kaibigan natin mukha lang iyan na walang dinadala. Masyado kasing happy-go-lucky. Pero gaya nga ng kasabihan: ang mga taong sa harap ng lahat ay pinakamasayahin, ay siya ring mga taong sa likod ay may mabigat na pasanin."

Ang hiwaga naman ng mga pinagsasabi ni Pia. Mas lalo tuloy naging misteryoso ang dating sa akin ng pagkatao ni Kael. Naalala ko na lang tuloy noong narinig ko dati sa opisina niya ang pag-uusap nila ng Daddy niya.

Napansin kong tahimik lang si Sherlyn.

Kanina pa siya mukhang malalim ang iniisip simula noong dumating kami ni Kael dito sa party. Nauna kasi sila nina Jake at Pia sa amin na dumating dito.

"Sherlyn, ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa may iniisip? May tampuhan ba kayo ni Paul?" Tanong ko sa kanya.

Mukhang nagulat naman siya sa naging puna ko.

"Wala naman. Napaisip lang ako sa sinabi ni Pia. Tsaka hindi kami nag-away ni Paul nuh. Takot lang sa akin nun." Natatawa niyang sabi. Napanatag naman ako sa sagot niya.

Mayamaya pa ay lumapit na sa amin ang tatlong naggwagwapuhang mga lalaki na kanina pa halatang pinagpapantasyahan ng ibang kababaihan at kanina pa kami pinapatay sa tingin nila.

"Hello, gorgeous ladies!" Masiglang bati sa amin ni Jake.

"Finally, natapos na rin ang mahabang paliguy-ligoy nila." Pagmamaktol ni Kael.

Nagtawanan naman kami sa table sa itsura niya.

'Yung itsura at kilos na lalaking lalaki na parang napakamisteryoso ng dating pero kapag nakilala mo, parang bata umasta. Pero iyon ang isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.

Ilang sandali lang at nagpalit na ng kanta ang DJ sa party.

Naging love song na ang awitin.

Isa-isang nagtayuan ang mga kasama namin at nagsipunta sa gitna ng dance floor. Halos lumabas naman ang puso ko sa dibdib sa sobrang kaba.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora