Chapter 18

11.9K 358 4
                                    

18


Jojo's POV


"Seryoso ka ba diyan, Tid?" Tanong sa akin ni Topeng.

Tumango naman ako bilang pagsagot na ikinailing ng kausap ko ngayon.

"Hindi naman kaya't masyado mo ng binubugbog ang katawan mo niyan, Jojo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tiyang.

"Tiyang, gusto ko rin naman ho kasing bumalik sa pag-aaral. Tsaka makakasama ko naman din po doon ang katrabaho ko sa resto na si Michelle. Sa katunayan nga po Tiyang, sa kanya ko po nalaman ang tungkol doon."

"Naku Pards, hindi madali iyang iniisip mo. Pwedeng kaya ng isip mo pero hindi ako sigurado kung matatagalan ng katawan mo." Sabi naman ni Andrea.

"Huwag na kayong mag-alala sa akin. Nakayanan nga ni Michelle ng dalawang taon, ako pa ba? Tsaka kung sakali ay sabay din kaming gragraduate dahil may 2 years pa si Michelle para matapos ang course niya, habang ako naman ay itutuloy ko lang ang nahinto kong pag-aaral noong nakaraang taon. 2 years na lang din naman po ang kailangan ko."

"Isipin mo, Tid ahh. Sabihin nating alas siyete o alas otso ng umaga ka sa opisina ni Mr. Alvarez tapos diretso ka sa restaurant hanggang gabi. May pasok ka pa sa gasoline station hanggang alas dyes ng gabi. Edi anong oras ang night class mo na 'yan? Alas dose ng hatinggabi hanggang madaling araw? Eh Tid! Sigurado ka bang mga normal na tao pa ang nasa school niyo na iyan? Baka naman puro mga aswang na kasama mo niyan!"

Nagtawanan naman kami sa mga sinabi ni Topeng.

"Malamang kung ganoon, Tid, dalawa lang iyan. Kung hindi call center ang napasukan ko, eh mga aswang na nga kasama ko." Natatawang sabi ko naman.

"May point din naman si Topeng, Pards. Tatlo-tatlo kaya trabaho mo. Saan mo pa isisiksik ang night class mo na 'yan?"

"Tama sina Andrea, Jojo." Pagsang-ayon ni Tiyong.

"Hindi na po ako magtratrabaho sa gasoline station. Sakto pa rin naman ang sweldo ko kahit umalis ako roon. Nakakuha rin kasi ng scholarship si Kristel sa university nila kaya hindi na namin problema nina Nanay ang tuition niya. Si Lester naman, athlete scholar din sa high school kaya may nakukuhang allowance."

"Mabuting balita nga kung ganoon, iha." Natutuwang wika naman ni Tiyang.

"So kailan ang simula niyan?" Tanong ni Topeng.

"Tinulungan na ako ni Michelle sa proseso ng enrolment. Pinayagan na rin ako ng boss namin sa gasoline station na umalis kaya this semester na ako magsisimula. Start na ang klase namin next week from 6 to 10pm." Paliwanag ko sa kanila.

"Osya, mukhang desidido ka na rin naman. Basta kahit anong piliin mo, suporta lang kami ni Tiyong mo sa'yo." Sabi ni Tiyang saka tumayo at sinimulang magligpit ng mga hain sa mesa.

"Sabagay Tid, iba na rin kapag may natapos sa panahon ngayon. Baka kapag natapos mo iyong nahinto mong kurso, mas makahanap ka ng mas maganda at stable na trabaho."

"Ay naku. Eh baka naman, Pards, kaya biglaan mong naisipan iyan eh dahil may gusto kang patunayan? Oo nga naman. Kapag may narating ka na, hindi mo na mamaliitinang  sarili mo para kay Sir Michael. Magiging pwede na kayo! Naaaks! Inlababo ka na nga, Pards!"

Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi ni Andrea na ikinangiti naman ng nakakaloko ng iba pa naming kasama sa bahay.

"Eh mukang may punto si Andrea, Tid ahh." Panunukso ni Topeng.

Tiningnan ko lang siya nang masama.

"Naku, naku. Dalagang dalaga na talaga itong si Jojo. Samantalang dati-rati, sinong maton pa ito sa probinsya na kahit mga lalaki ay nasisindak niya." Pang-aasar ni Tiyong.

"Ang sabihin mo babaeng babae na talaga. Aba! Ngayon lang may nakabit na pangalan ng lalaki sa batang iyan." Panggagatong pa ni Tiyang habang sina Andrea at Topeng naman ay nagpipigil ng tawa.

Tumayo na ako sa upuan saka naglakad palayo sa kanila.

"Iniba niyo lang ho ang usapan."

Sabi ko sa kanila bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto na ikinatawa nilang lahat.


+++



Nasa floor ng opisina na ako ni Kael ngayon.

Kanina pa ako nandito para maglinis. Nalinis ko na ang conference room at secretary's area pero hindi pa ang mismong opisina niya. Nandoon na kasi siya ng dumating ako pero mayroon siyang bisita kaya hindi ako pumasok.

Si Miss Pia naman ay wala namang pinagbago sa gawain. Busy pa rin itong nagtatype ng ilang documents sa laptop niya.

"Miss Pia, parang ang aga naman po yata ng bisita ngayon ni Sir Michael?"

Sir Michael ang tawag ko dahil nasa working place kami ngayon.

"Ahh. Si Madame ang kausap ni Sir ngayon. Ganyan talaga iyan si Madame, bigla-bigla lang bumibisita dito sa opisina."

Si Madame? Siya ang nagrecommend sa akin dito kaya kahit paano ay magaan na lang ang pagiging janitress ko sa mall.

Kung nandito nga siya, mabuti naman kung ganoon. Mapapasalamatan ko siya sa ginawa niyang tulong sa akin.

" Hinihintay mo ba sila matapos para makalinis ka?" Tanong ni Miss Pia.

"Ahh. Opo sana."

"Mayamaya lalabas na rin iyan si Madame. Baka hinihintay lang nila bumalik ulit si Miss Castro, ang secretary ni Madame."

Tumango na lang ako at naupo saglit sa sofa na malapit sa kinatatayuan ko. Huwag naman sana matagalan. Baka mahuli ako sa duty ko sa resto.

Ilang saglit nga ay may dumating na isang babae. Hindi kagaya ni Miss Pia, parang nasa mid-40's or 50's na nga yata ito. Agad naman siyang ngumiti at bumati sa amin saka pumasok sa loob ng opisina ni Kael.

"Siya na ba 'yung secretary ni Madame?" Tanong ko kay Miss Pia. Tumango naman ito bilang sagot sa tanong ko.

Ilang minuto lang din ang lumipas at inayos ko na ang mga dala kong gamit na paglilinis. Habang nag-aayos ay muling bumukas ang pinto ng opisina ni Kael. Pagka-ayos ko sa mga gamit ay agad kong tiningnan ang lumabas ng pinto para sana batiin ang mga ito.

Pero laking gulat ko ng makita ko ang nakatayo sa harapan ko kasama ang tinatawag ni Miss Pia na Miss Castro. Si Kael ay nananatili pa sa loob ng opisina niya na parang may hinahanap pa.




"L – Lola Mira??"

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon