Chapter 37

7.4K 278 79
                                    

37


Jojo's POV


"Ayaw ko nang mag-aral. Huhuhu hindi na masaya, wala na si Sir Michael. Tara! Home study na lang tayo!" Pagdradrama ni Michelle sa room ngayon. Nalaman na kasi nilang hindi na si Kael ang magtuturo sa class ni Professor Cruz simula ngayon.

At gaya nga ng sinabi ni Kael sa akin noong isang gabi na magkasama kami, bago siya mag-business trip, may mga take home tests and activities na lang kami sa subject na iyon na ipapasa sa email ni Professor Cruz. Dahil walang teacher ngayon, dismissed agad ang class.

"Halatang hindi ka na nagulat na wala si Sir Michael today ah." Panimula na naman ni Michelle sa akin habang naglalakad kami palabas ng Management building.

"Baka kasi magkasama kami last time bago siya umalis? Baka kasi magkaibigan kami?" Sagot ko sa kanya.

"Oh edi ikaw na! Ganda ka eh."

Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya,

"Wala si Sir Michael, so ibig din bang sabihin niyan na wala kang sundo ngayon? Awww sad naman."

"Sad sad ka pa diyan. Sad ka lang kasi hindi ka na makakalibre sa pamasahe kasi nakikilibreng sakay ka rin, 'di ba?"

Tumawa naman siya nang malakas. Natuwa pa siya.



"Tombs!" Pamilyar ang boses. Parang kilala ko na kung kaninong boses iyon.

Naglalakad na kami ni Michelle papunta sa sakayan ng mga jeep nang marinig namin ang boses niya.


"Oh. Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko sa'yo last time, labas tayo eh." Sabay napansin niyang kasama ko si Michelle. Ngumiti siya rito at kumaway. "Hi! Michelle, right?" Ngiting-ngiti rin naman itong babaeng kasama ko.

Si Onel ang tumawag sa akin. May iba pa bang tumatawag sa akin ng "Tombs" na 'yan?


"Tombs, tara labas tayo." Balik ulit sa pangungulit sa akin ng bakla.

"May sinabi ba akong oo? Pumayag ba ako? Marami kaming take home tests ngayon sa subject ni Michelle."

"Edi samahan ko kayo gumawa? Mas magandang gumawa ng homeworks sa coffee shop. Tara!"

"Makulit?"

Ngumuso naman ang bakla.

"Grabe, Jo. Kapag si Kael nagyaya, oo ka kaagad. Kapag ako, pahirapan? It hurts you know." Pagdradrama ni Onel sa akin. Natahimik ako. May point naman siya. Bakit ba kasi ang sama ng ugali ko sa taong ito?

Napaubo naman si Michelle. Isang ubong pang-asar na parang sinasabi niyang ' Ehem tama ka diyan, Onel'.

Napahinga na lang ako nang malalim.

"Haaaay okay, fine. Tara na, basta sagot mo ha!" Pagsuko ko sa kakulitan niya.

Umaliwalas naman ang itsura niya at ngumiti sa aming dalawa ni Michelle.



"Okay, one Frappuccino for Michelle and one hot Chai Tea Latte for Tombs. Here you go." Sabi ni Onel habang nilalapag sa lamesa ang order namin ni Michelle.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now