Chapter 7

16.2K 441 11
                                    

7


Jojo's POV


"Hindi ka pa rin ba tapos sa panaginip mo riyan?" Tanong ni Topeng sa madaldal naming kaibigang si Andrea.

"Heh! Manahimik ka! Palibhasa kasi hindi mo pa nakikita si Mr. Alvarez. Baka maging instant bakla ka pa kapag nakita mo na sa personal iyon."

"Utut mo! Sigurado namang mas gwapo ako roon." Hirit naman ni Topeng sabay akbay kay Andrea. Inis na inalis naman agad iyon ni Andrea.

"Utut mo rin! Kapal ng mukha nito. Kayurin mo nga iyan paminsan ng numipis naman kahit paano. Si Mr. Alvarez, matangkad, matalino, mabait, palangiti, gentleman, mayaman, at higit sa lahat SOBRANG GWAPO! Sige nga Topeng, saan ka banda roon?"

Natatawa na lang ako sa panonood sa kanila. Nandito lang kami sa bahay ngayon dahil pare-pareho naman kaming tatlo ng araw ng day-off.

Tama naman lahat ng description ni Andrea kaso pagkatapos ng nakita ko sa opisina ni boss, parang ayaw ko na maniwala. Ano kaya gawin nito kung nakita niya iyon?

"Sus! Eh bakit hindi si Tid ang tanungin natin? Tutal siya ang nasa opisina ng Mr. Alvarez na 'yan. Oy Tid, mas gwapo ako sa kanya nuh?"

Naghanap na naman ng kakampi ang mokong na ito.

"Pasensya na Tid, pero mukhang tama naman iyang babaeng madaldal na 'yan. Medyo lamang lang naman siya sa'yo ng kaunting paligo. Kaunti lang naman."

Inaksyon ko pa ang "kaunti" na iyon para hindi lang masaktan pero parang nanalo naman si Andrea sa lotto at inaasar pa ang isa.

Mga isip bata.

"Siyanga pala Tid, baka magpart-time pa ako sa isang kainan malapit lang din doon sa mall."

Pareho namang napatigil ang dalawa sa ginagawa nila at sabay na tumingin sa akin.

"Sigurado ka ba riyan, Tid? HIndi ba mayroon ka pa iyong sa gasoline station? Baka hindi mo naman na kayanin 'yan." Halata sa boses ni Topeng ang pag-aalala.

"Oo nga naman, Jojo. Tapos mag-isa ka lang na naglilinis doon sa opisina ni Mr. Alvarez. Naku ha! Huwag ka masyadong nagpapaniwala sa mga superhero. Hindi iyon totoo! Kaya huwag mo sila piliting gayahin."

Napailing naman ako.

"Ang sabi ni sir, hindi naman daw kailangan na araw-araw kong linisin ang buong floor doon. Hindi naman daw iyon palaging nagagamit. Basta kailangan ko lang masigurado na malinis iyon tuwing naroon si Mr. Alvarez, kaya may mahabang oras pa akong sobra bago ang duty ko sa gasoline station."

Sabay naman silang napatango.

"Basta, Tid, huwag masyadong tagtag sa trabaho ha. Nangako ako kay Tiyang na buhay din kitang iuuwi doon sa probinsya."

"Siraulo! Sige, punta muna ako sa 7eleven at makabili ng makakain. May gusto ba kayong ipabili?" Tanong ko sa kanila.

"Samahan na kita, Tid."

"Huwag na, Tid. Ayos na ako mag-isa. Samahan mo na lang dito iyang si Andrea."

Maganda talaga ang location ng bahay na nakuha nina Tiyang. Malapit lang ito sa mall na pinagtratrabahuhan naming tatlo kaya hindi magastos sa pamasahe. Malalakad lang din ang ilang convenience stores tulad ng 7eleven dito.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα