Chapter 32

11.5K 355 21
                                    


[32]


Jojo's POV


"Yung totoo, ilang beses ko ba talaga naapakan yang paa mo kanina?" Natatawang tanong ko kay Kael.

Kanina pa tapos ang party at nasa harap na kami ng bahay namin ngayon. Pero nasa loob pa rin kami ng sasakyan at pinag-uusapan ang mga nangyari kanina.

"Actually, I lost in counting..." Natatawa niyang sagot.

"Grabe naman! Kasalanan mo 'yan. Mapilit kang magsayaw tayo. Sinabi ko na ngang hindi ako marunong."

"Pero fast learner ka naman kaya ayos lang. So how's your feet?"

Tumingin kami pareho sa paa ko.

"Kanina masakit pero ngayon hindi na masyado." Nakangiti kong sagot.

Naalala ko tuloy kung paano niya hinilot ang paa ko kanina pagkasakay ko sa sasakyan. Halos hindi na kasi ako makalakad ng diretso sa sobrang sakit ng paa ko dahil sa stiletto na suot ko.

Nag-insist pa nga siya na buhatin na lang ako kaso binatukan ko lang siya sa sobrang baduy ng offer niya. Napuno pa kami ng asaran ng mga kasama namin dahil sa offer niya.

Saglit na katahimikan.

Bigla ulit nagsalita si Kael.

"But Jo, I wanna really thank you for doing this."

"Wala 'yun. Magaling na trainers din naman sina Pia at Sherlyn."

"Alam ko kung gaano kahirap ang ginawa mo para sa'yo and yet, you still did it for me."

"Siyempre kaibigan kita. Malakas ka pa sa akin. Boss pa kita." Natatawang sagot ko sa kanya.

At mahal pa kita. Kung pwede lang sabihin eh.

"And I will be forever grateful that I've met you."

Nakatutok naman sa akin ang aircon ng sasakyan pero bakit parang uminit bigla sa loob ng sasakyan. Kailangan ng bagong topic. Bagong topic, Jo. Dalian mo, mag-isip ka!

"Nabanggit nina Pia na matagal ka ng hindi umaattend sa annual party na 'yun. Bakit naman?"

"Nawalan ng interest." Maikli niyang sagot.

"Dahil?"

"For so many reasons..."

"Tulad ng?"

Tiningnan niya ko.

"Kailangan talaga specific or detailed?"

"Oo naman. Ganoon ang gusto ng mga babae, dapat detailed para maintindihan talaga."

"But you're not." Sagot niya.

Saglit ko siyang tiningnan nang masama.

"Ouch. Babae ako ngayon ah. Bukas hindi na ulit. Kaya lulubus-lubusin ko na 'to." Pagbibiro ko sa kanya.

So hindi talaga babae ang tingin niya sa akin.

Tumawa naman siya.

"Just kidding..."

"Eh ano nga ang reasons? Ayaw magshare? Parang others. Sige na, kahit 3 reasons lang. Okay? Reason number 1?"

Tumawa lang siya ulit nang mahina.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon