Chapter 20

12.5K 353 11
                                    

20


Kael's POV


Mabuti naman at tumigil na si Sherlyn sa pangungulit niya sa tanong niya. Ito rin naman kasing si Paul parang babae. Ang daldal.

"Pasensya na kanina, 'Tol." Paumanhin ni Paul.

"Sus. No worries." Sagot ko naman.

"May balita ka ba sa kanya?" Tanong niya.

I shrugged.

"What for? I'm not even interested." Walang gana kong sagot.

Saglit namang natahimik si Paul. Tinitimbang siguro kung gaano ako kaseryoso sa sinabi ko. Nagkibit-balikat na lang din siya.

"Anyway, what's your plan about this girl?" Pag-iiba niya sa usapan. Napakunot naman ako ng noo.

"Girl who?"

"Jojo"

"If you'll look at her, naku Pre, mas mukha pang astig sa ating dalawa iyon. But when she talks, her voice really sounds like an angel and what I like her most is her view in life. You know what I mean? I have higher educational attainment pero kapag kausap ko na siya parang ako pa ang wala masyadong naging experience. Amazing, Pre..."

I stopped when I noticed Paul na ngingiti-ngiti ng parang ewan.

"Ngiti pa, Pre, ililipat na kita ng institusyon. Iba na 'yan eh." Iiling – iling na sabi ko.

Tuluyan namang tumawa si Paul.

"And what is that for?"

"Tol, you just look like a high school teenager who's having his first crush. Tagal na nating magkaibigan pero ngayon ka lang nagsalita ng ganyan, not even when you're with..."

"Gago." Putol ko sa sinasabi niya.

Tatawa-tawa lang siya.

"Mukhang tama nga si Sherlyn. I would like to meet this girl, too."

"Loko. Malaki rin ang naitulong niya sa akin lalo na nitong mga nakaraang linggo. She helped me stay stronger para kina Sherlyn. Gusto kong makabawi sa kanya, Pre."

"In love ka na nga, 'Tol."

"In love? Hindi, 'Pre. Kaibigan ko lang si Jojo at gusto kong bumawi sa mga naitulong niya sa akin."

"Ikaw bahala. Sabi mo eh."




Jojo's POV


"Wow, Pards huh! Ibang level na talaga iyan ahh. Imagine? Si Sir Michael pa ang pumupunta rito sa atin para lang mabisita ka? Haba ng hair, girl!"

Tiningnan ko lang nang masama si Andrea.

Ayaw ko ng magsalita dahil mukhang wala akong kakampi dito sa bahay sa ganyang bagay dahil lahat sila sumasang-ayon kay Andrea.

Nagtext kasi si Kael na dadaan daw siya dito sa bahay. Baka ipapa-explain niya sa akin ang tungkol kay Lola Mira. Ilang saglit lang din ng may marinig kaming bumusina sa harap ng gate ng bahay namin.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon