Chapter 8

15K 416 7
                                    

8


Jojo's POV


Mga alas nuwebe ng umaga na ako pumunta sa opisina para tingnan kung malinis pa rin ito. Sabi naman kasi ni Miss Pia na hapon pa raw sila rito darating dahil wala naman daw ibang appointment si Mr. Alvarez.

Pumasok na ako sa loob at wala pa nga si Miss Pia.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng opisina ni Mr. Alvarez para una kong linisin nang may marinig akong boses sa loob. Agad akong napahinto.

"You're doing your best, huh? Then explain to me bakit may ganito, Michael?"

Dinig kong sabi ng isang boses ng isang matandang lalaki. Masyado kasing matured ang boses at sigurado akong hindi boses ni bossing iyon.

"Dad, I just thought everything is under my control. I didn't know..."

"You didn't what? I don't care about your personal life, Michael. Maging babaero ka, wala akong pake. But in my business, doon ako may pake."

Tatay pala ni Mr. Avarez ang nasa loob. Nakakatakot ang boses niya.

"Sorry, Dad. I'll fix this..."

"You better do. Stop giving me so much disappointment, Michael. Hindi ko pa ibinibigay sa'yo ang kompanya kaya ako pa rin ang may-ari nito. If you want to have this, then prove yourself."

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pag-uusap nila. Hindi rin naman tamang makinig sa usapang hindi naman ako involved. Sa kanilang problema iyon.

Pumasok na lang muna ako sa loob ng conference room at iyon na lang muna ang inuna kong linisin. Mga ilang minuto rin akong naglinis sa loob saka lumabas para sunod na linisin ang opisina ni Miss Pia.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat akong may lumabas ding isang lalaki mula sa opisina ni Mr. Alvarez. Siya pala ang tatay ni bossing.

"M-Magandang umaga ho, sir." Nauutal kong bati sa kanya.

Tumango lang ito sa akin at walang ngiti-ngiting umalis ng floor na iyon. Nakakatakot.

Natapos ko nang linisin ang dalawang kwarto sa floor na iyon. Opisina na lang ni Mr. Alvarez ang natitira. Sinisilip-silip ko kung lalabas ba siya kaso hindi at wala rin akong naririnig na ingay sa loob. Pero kailangan ko ma-check ang opisina niya.

Huminga ako nang malalim saka kumatok bago ko tuluyang binuksan ang pinto.

Walang tao sa loob ng opisina ni sir pero imposible naman dahil sigurado akong hindi pa siya lumalabas doon. Hindi kaya tumalon na siya mula sa building na 'to at nag-suicide?

Haay. Dahil lang napagalitan siya ng tatay niya? Parang ang babaw naman na dahilan iyon. Lahat naman ng anak napapagalitan ng magulang.

Inikot ko ang tingin ko sa buong opisina at nahagip ng paningin ko si Mr. Alvarez. Nasa veranda siya ng opisina at halatang malalim ang iniisip. Maganda kasi ang view na makikita mula sa veranda ng opisina at mas presko rin ang hangin. Minsan nga kapag tapos na akong maglinis at wala pang tao sa opisina, tumatambay ako roon.

Saglit akong lumabas ng opisina para may kunin at agad ding bumalik.

Nilapitan ko si bossing.

"Sir, dinalhan ko ho kayo ng kape."

Saglit siyang napatingin sa akin at tipid na ngumiti. Pero agad niya ring binalik ang tingin niya sa kawalan.

"Thank you. Naglinis ka sa loob?"

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now