Chapter 30

9.9K 318 27
                                    

30


Jojo's POV


Naninibago ako sa pagiging tahimik ni Kael. Kanina pa kami nasa sasakyan pero hindi naman niya ako kinakausap.

"So walang pansinan na ito hanggang pagdating sa party?" Tanong ko sa kanya.

Mukhang nakuha ko naman ang atensyon niya dahil lumingon siya agad sa akin.

"Ahmp sorry? Nakakapanibago ka kasi." Hindi mapakali niyang sagot.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

"Pangit ba kung nakapambabae ako? Sabi ko naman kasi sa inyo ngayon lang ako nagsuot ng ganito. Baka nga hindi ako makilala ng pamilya ko kapag nakita nila ang ayos ko ngayon."

"No. No. Actually, you're beautiful. Really beautiful. Feeling ko nga kailangan kitang bantayan sa party. Mahirap na."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Pero pinigilan ko kaagad. Nakakaihi sa kilig eh.





Sherlyn's POV

Hindi pa rin ako mapakali na hindi malaman kung bakit ganoon na lang ang kinilos nina Paul at Jake kanina. Hindi rin pwedeng magkaila itong si Paul dahil hindi siya magaling magsinungaling sa akin.

"Pwedeng nakaligtas sa mata ni Pia, pero hinding hindi sa akin Paul. So tell me, bakit ganoon ang reaksyon niyo kanina ni Jake ng makita niyo si Jojo?" 

"Nagulat lang kami sa new look ni Jojo. Iyon lang naman 'yun."

"Yeah right, Paul. Isang pagsisinungaling pa, baka gusto mong mawalan ng ka-date ngayong gabi na 'to?" Siyempre kunwari lang 'yun. Baka madaan lang naman siya sa pananakot ko.

"Pag-aawayan ba natin 'to?" 

Oh no. Baka wala naman talaga. Baka mapilit lang talaga ako. Pero iba talaga eh. May kutob talaga ako. Isa pa nga. Isang try pa, baka umamin na 'to.

"I just want you to be honest. Hindi ka kasi magaling magsinungaling eh. Akala ko ba wala ka ng itatago sa akin? Ito na naman ba tayo?" Drama101 ko.

"Tsss. Fine!" Pagsuko niya.

Yes, nagwork out! Good job to me.

"She just reminded us of someone."

"Of who?"


"Cassandra."


Who is Cassandra? I've never heard of that name before.


"Sino si Cassandra?"




"Kael's step sister."



Hindi ko alam na ang tanong ko na iyon ay magbibigay sa akin ng mas maraming tanong sa buhay ng aming kaibigan na si Kael.





Jojo's POV

"So are you ready?" Tanong niya sa akin.

"Kapag sinabi ko bang hindi, iuuwi mo na ako?" Pang-aasar ko sa kanya.

Bigla naman siyang nalungkot.

"Gusto mo na ba? Look. Ayaw kong mapilitan ka. Pwede naman tayong hindi na tumuloy." Nag-aalala niyang sabi sa akin.

Natawa naman ako sa itsura niya na ikinunot ng noo niya.

"Joke lang! Tara na. Sayang ang ilang araw na paghihirap ko sa pagpractice maglakad sa malaself-defense na sapatos na ito."

Tumawa naman siya nang mahina.

"Shall we?" Sabay alok ng palad niya sa akin.

Ano ba 'to! Ang lakas maka-girl na girl ng ginagawa ni Kael. Hindi ako sanay, pero ginawa ko ang tinuro sa akin nina Pia. Inabot ko ang aking palad sa palad na inialok niya.

Nagpipigil naman siya ng ngiti.

"Huwag mo ng ituloy iyang gusto mong sabihin. Baka imbes na Cinderella ang peg ko ngayon, baka maging Mulan ako dito." Pagputol ko sa balak niyang pang-aasar.

Iiling-iling na tumawa lang siya.


Naglalakad na kami papasok sa venue ng party. Bigla-bigla na lang akong tinablahan ng kaba at naging tensyonado ako. Kahit nakasukbit ang isang kamay ko sa matigas na braso niya, parang nanghihina pa rin ang tuhod ko.

Tama ba 'tong pinasok ko?

"Hey... are you okay?" Concern na tanong niya sa akin.

"Sakto lang. Required ba talaga na pagtinginan nila tayong lahat?" Para kaming mga baliw na nagbubulungan habang naglalakad.

"Ganyan talaga kapag nakakita ang mga tao ng Greek god and goddess, nagbibigay-pugay ang mga mata nila." Natatawa niyang sabi.

"Ang ganda mo kasi..." Halos pabulong lang na side comment niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Hindi ako sanay na sinasabihan ng maganda. Sadyang mas gwapo lang ako sa'yo." Mukhang nagulat siya na narinig ko ang sinabi niya at medyo nahiya siya! Haha. Gusto kong matawa.

"Kaya nga hindi dapat na maging lalaki ka. Wala dapat makaagaw ng titulo ko sa pagiging pinakagwapong nilalang sa mundong 'to."

"So ganito na lang ako?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Pwede. Basta hindi ka magsusuot ng masyadong sexy. Ayos lang ngayong gabi tutal ako naman kasama mo. Mababantayan kita masyado."


Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko bigla.

Sana hindi halata masydo.










Bakit ba ang sweet ng taong 'to ngayon? Ay oo nga pala babaero ito. Malamang sanay na mambola ng mga babae.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now