Chapter 1

38.5K 602 11
                                    

1


Pauwi na kami ni Topeng, ang matalik kong kaibigan at kababata, galing sa perya. Letse! Talo ako sa pustahan. Makabawi nga bukas.

"Hoy, Topeng! Problema mo?!" Bulyaw ko sa walanghiyang kasama ko at inambaan ko ng suntok. Tama bang pitikin ang bibig ko? Ang sakit kaya!

"Humahaba kasi 'yang nguso mo!" Tatawa-tawa niyang sabi sabay akbay sa akin.

Pilit kong inaalis ang kamay niya sa balikat ko pero binabalik niya lang ulit.

"Alam kong kissable at pouty lips ako. Aba! Natural iyan! Tapos sisirain mo lang sa pagpitik mo? Pinaghirapan gawin iyan ng magulang ko... araaay!" Hayup talaga! Tama bang batukan ako? Babasagin ko na mukha nito eh.

"Loko ka talaga, Jojo. Ang lakas talaga ng epekto ng isandaan mo noh?"

Tingnan mo 'to! Nakalimutan ko na ngang natalo ako.

"Hoooooy! Mariang Masayaaaaaa!!!!"

Sabay kaming napatingin sa ibong sumigaw. Sabi na nga ba at si Birdie lang iyon. Ang desperadang baklang masugid na tagahabol kay Topeng.

"Oh Barbieng tinubuan ng ibon?"

Si Topeng naman ay nagpipigil ng tawa. Barbie kasi ang pangalan niya sa gabi. Eh sa hindi naman siya mukhang manika sa mata ko. Mas mukha siyang ibon!

"...sinabi kong huwag na huwag mo kong tinatawag sa ganyang pangalan, 'di ba?!"

Ginamit ko na naman ang astang lalaki ko pero hindi pa rin natinag ang bakla at tinaasan pa ako ng kilay.

"At sinabi ko rin sa'yong huwag na huwag ka nang lalapit kay Papa Christopher ko! If I know, nagkukunwari ka lang namang tomboy para landiin ka lang ni Christopher ko! Dapat sa'yo tsinutsugi!"

"Eh kung tsinelasin ko iyang mukha mo ha!" Sabay hinubad ko ang isang tsinelas ko sa paa. Inawat naman ako ni Topeng.

"Hindi ako natatakot sa'yo! Layuan mo ang Papa Christopher ko! Haliparot kang tomboy ka!! Kadiriiiii!!!!"

Ampucha! Hinagis ko nga sa mukha niya ang tsinelas na hawak ko. Nagtitili naman siya na parang ewan. Sakit sa tainga! Agaw-eksena pa tuloy kami rito sa daan. Sabagay, immune naman na sila.

"Hoooy, Birdie! Kung ako sa'yo lumayo ka na ngayon. Kapag ako hindi nakapagpigil, pagpapalitin ko ng pwesto iyang ulo mo sa taas at sa gitna. Tutal iyan naman madalas mong gamitin!"

Nanlalaki ang dalawang mata niya.

"Bastooooosss!" Gigil at tumitiling sabi niya.

Eskandaloso talaga. Namumula na ang mukha niya. Nagtawanan din kasi ang mga taong nakiki-tsismis sa amin. Mas lalo siyang namula dahil pati ang nagpipigil na si Topeng, tumawa na rin. Padabog niya kaming iniwan.

Hinila na ako paalis ni Topeng saka inakbayan ulit.

"Siraulo ka talaga..." Natatawa pa rin niyang sabi.

"Nag-away na naman ang bakla at tomboy..." Narinig kong bulungan ng mga bwisit na tsismosang walang ginawa kung hindi pag-usapan ang buhay ng iba.

Tiningnan ko sila nang masama at agad naman silang tumahimik at yumuko.


Marie Joy Herado ang buong pangalan ko. Jojo ang tawag ng lahat sa akin.

Subukan nilang tawagin akong Joyjoy at gigilitan ko leeg nila. Kilos-lalaki, astig, tigasin... kayo bahala kung ano tingin niyo sa akin. Basta ito ang mundong kinalakihan ko. Sa panahon ngayon, hindi pwede ang lalambot-lambot para hindi ka ituring na mahina... kahit babae ka.


---


"Pare, long time no see ah. Bihira ka na lang yata ngayong napapasyal dito sa bar ko?"

I just shrugged.

"Naging busy lang."

"Balita ko nga 'tol maraming problema sa kompanya ni Paul ngayon. Bakit ba kasi biglaan ang pagkawala niya sa opisina?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Napailing lang siya.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Kaanu-ano niyo ba si Atlas? Bakit parang palagi niyo ring pasan ang mundo?"

Tiningnan ko siya nang masama.

"Ang ingay mo, Jake. Bigyan mo na lang ako ng maiinom para naman hindi masayang binayad ko rito sa bar mo."

Then he just laughed. Nai-in love lang ito sa kagwapuhan ko. I looked around. Lots of new faces huh.

"Oh heto na order mo. Pare, mukhang type ka ng babae roon ah."

Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya.

"Bagong customer mo rito?"

"Oo, anak yata ni Mr. Suarez. Ilang beses ka na niyan tinatanong dito."

I smiled. Hirap talaga maging gwapo.

"Iyang ngiting 'yan, Kael. Take it smoothly, pare. Isa sa mga bigtime customers ng bar ko iyan."

Hindi ko na pinansin kung ano pa ang sinabi ng kaibigan ko. I just slowly went to the girl who's seductively smiling at me. She's a lucky girl indeed at ako pa ang lumalapit sa kanya.




I am the great Michael "Kael" Alvarez...


...the most handsome and sexiest living heartthrob in the universe.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now