Chapter 6

16.2K 459 22
                                    

6


Jojo's POV 


Tama nga si sir. May 6th floor nga ang mall.

Pagbukas ng elevator, may isang pinto pa uling bubungad sa'yo. Doon mo na kakailanganin ang key card na ibinigay sa akin ni sir kanina. Astig! Wala pa raw si boss ngayon kaya good timing para maglinis.

Nilagay ko muna sa tabi ang cleaning materials at nag-ikot. Hindi naman pala kasing lawak ng mga floor sa baba ang opisina ni boss. May three main rooms lang sa 6th floor: isa para sa secretary, isang conference room na may kalakihan rin, at opisina ni Boss na pinakamalaki sa lahat.

Tinted glass ang walls kaya tanaw ang view sa labas.

Mukhang si boss lang naman ang madalas narito kaya hindi naman masyadong marumi. Salamat talaga kung sinuman iyong si Madame! Hindi na ganoon kabigat ang paglilinis ko ngayon.

Nagsimula na akong maglinis.

Abalang-abala ako sa pagma-mop ng sahig sa mismong opisina ni boss. Inuna ko na kasing ayusin ang dalawang kwarto at ito na ang hinuli ko dahil ito ang pinakamalaki.

Napahinto ako nang makita kong may na-mop akong black leather shoes. Napakagat ako sa labi at dahan-dahang tumingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. HIndi maiwasang mapalaki ang mata ko nang makilala ko siya.

Siya iyong customer kahapon sa gasoline station!


"M-Mr. A-Alvarez?"



Kael's POV


"Pia, nakabalik na ba sina Paul?"

Pia is my secretary.

"I was able to talk to his secretary and she said they'll be back by Friday."

"What's my schedule?"

"Meeting with Mr. Park at 11 a.m. has been cancelled and rescheduled tomorrow. Presentation of financial reports with the board after lunch."

"Okay, we'll go straight to the office."

"How about your lunch?"

"Ask for delivery."

"Okay, noted."

What a busy day! You really owe me one, Paul Gabriel!

"Ipapadala ko na lang ang lunch ninyo sa loob ng office."

I nod.

Pumasok na ako sa loob ng opisina habang nakapamulsa ang dalawa kong kamay. I saw a janitor? janitress? inside my office. Hindi niya ako napansin kaya tumayo ako sa harap niya.

And she mopped my shoes. What the!

"M-Mr. A-Alvarez?"

"Who are ---"

"Mr. Alvarez..." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita sa likod ko si Pia.

Tumingin ako sa kanya.

"Who is she?" Pointing to the woman who mopped my shoes.

"I'm so sorry. I forgot to tell you about her.  Siya ang personal na inassign ni Madame para mag-maintain sa cleanliness ng buong office."

"Granny?"

"Yes."



Jojo's POV


Anak ng! Kapag minamalas nga naman. Bakit na-mop ko pa ang sapatos ni boss? Kakasimula ko pa lang baka masisante na agad ako. Pero mukha naman siyang hindi nakakatakot. Parang ang friendly nga ang aura niya.

"Granny?" Tanong niya sa babae.

"Yes."

Sigurado ako na siya ang secretary ni boss. Chix ah! Nakita kong tumango naman si boss.

"Okay. You can go now."

Sino sa amin? Ako ba? O iyong tinawag niya kaninang Pia?

"Alright." Ahh siya pala. So paano ako?

Anong gagawin ko ngayon?

"Sir, lalabas na rin po ako..."

"No. Tapusin mo muna iyan, then you can also leave."

Parang wala lang na sabi niya habang naglalakad papunta sa office table niya at sumalampak sa upuan. As in literal na sumalampak! Nganga ako promise! Pero nataranta ako bigla nang tumingin siya sa akin.

Seryoso?

Maglilinis ako sa harap ng Big Boss namin? Anak ng! Tapos papanoorin niya ako?

Wala rin akong magawa kaya itinuloy ko na rin ang paglilinis ko. Nilingon ko siya saglit at nagulat na naman ako sa nakita ko. Pinapaikot-ikot niya kasi ang upuan habang nakaupo siya at take note, kumakain pa ng mansanas!


Teka! Saang lupalop galing 'yung mansanas??!!


Sigurado ba talagang siya ang nagpapatakbo ng maunlad na malls nila? Baka mali lang ako. Baka hindi ito si Mr. Alvarez.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon