Chapter 13

13.7K 383 6
                                    

13


Jojo's POV


Maaga akong pumunta sa opisina ngayon para magtrabaho. Sinunod ko rin ang utos ni boss na huwag na akong pumunta kahapon eh.

Tahimik ang opisina kanina pa. Malamang. Ako lang naman mag-isa dito ngayon. Matatapos na akong maglinis pero hindi pa rin dumarating sina Miss Pia.

Nakakapagtaka.

Inaayos ko na ang mga gamit ko sa paglilinis para maka-duty na ako sa susunod kong trabaho nang marinig kong bumukas ang pinto. Si Miss Pia lang ang dumating at hindi kasama ang big boss.

"Good morning, Ma'am."

"Good morning rin, Jojo. Paalis ka na?"

Nakangiti akong tumango.

"Wala po yata si Mr. Alvarez ngayon?"

Bigla namang nagbago ang expression ni Miss Pia. Bigla naman akong kinabahan.

"May pinagdadaanan daw iyon sabi ng asawa ko."

"Ganoon po ba. Sa kompanya daw po, Ma'am?"

Umiling siya.

Naalala ko ang mga sinabi niya noong gabing iyon.

"L-Lovelife?"

Napakibit-balikat naman si Miss Pia.

"Lovelife bang matatawag iyon? Or one-sided love?" Natatawang sabi ni Miss Pia.

Napakunot naman ang noo ko.

"Tayo lang naman dalawa dito sa opisina kaya huwag ka na lang maingay ahh. Ang sabi kasi ng asawa ko sa akin, may gusto daw iyon si Kael kay Sherlyn. Tapos parang naaksidente yata si Sherlyn kaya siya dinala sa ospital. Ngayon, galit na galit itong si Kael kay Paul."

Ang gulo. Ano daw?

"Nakilala niyo na po Ma'am iyong Sherlyn?"

"Ahh oo. Siya kasi ang secretary ng best friend ni Kael, si Paul. Madalas ko siyang nakikita kasi siya madalas nakakausap ko kapag may pinapagawa doon ang bossing natin. Infairness, maganda rin naman talaga si Sherlyn. Simple lang manamit pero malakas ang dating. Iyong tipong nakakainsecure pa rin para sa ating mga babae kapag makikita natin siya."

Napatango na lang ako. Nasaktan naman ako sa narinig ko. Pigil lang ako sa nararamdaman ko nang magsalita uli si Miss Pia.

"Ang nakakapagtaka, bakit galit na galit si Kael kay Paul? Hindi rin naman yata kargo ni Paul si Sherlyn."

Parang hindi ko na kaya marinig ang iba pang sasabihin ni Miss Pia tungkol kay Mr. Alvarez at doon kay Sherlyn.

"Ahh. Sige po Miss Pia, mauuna na muna po ako. May duty pa po kasi ako sa isa ko pang trabaho."

Tumango lang sa akin si Miss Pia.

Kahit ang totoo, isang oras pa bago ang duty ko sa restaurant. Bisitahin ko na lang sa baba sina Topeng at Andrea.

"Oh, Tid. Napadaan ka yata dito?" Bungad na tanong sa akin ni Topeng.

"Maaga kasi ako natapos sa taas. Mamayang alas onse pa ako pinapaduty ni Mr. Chan sa restaurant ehh."

Tumango lang naman si Tid sa akin.

"Si Pards Andrea muna puntahan mo, Tid. Nandoon siya sa locker room ngayon. Medyo bantay-sarado kami ngayon eh. Nagbabantay talaga sa amin ngayon si Manager."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon