Chapter 14

14.1K 375 9
                                    

14


Jojo's POV


"May sasabihin ako sa'yo." Sabi sa akin ni Andrea pagkaupo naming dalawa.

"Ano?"

Hinila niya ako palapit sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin, Jo. Ano ba talagang mayroon sa inyo ni Sir Michael?" Seryoso at halos pabulong na tanong niya sa akin.

"Ano?! Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Huwag ka ng magdeny. Nakita ko kayo noong isang araw at hinatid ka niya sa bahay niyo. Naku, naku. Ikaw, kung hindi lang kita ganoon kakilala, iisipin kong bayaran ka. Eh madaling araw na nun eh!"

Binatukan ko siya. Pero kinabahan ako. Nakita niya pala kami. Wala na akong kawala nito.

"Siraulo. Ganitong ayos ko, magiging kaladkarin ako?"

"Aba, malay ko ba kung ganyan na ang bagong modus ngayon. Malay ko ba kung bitch in disguise ka lang."

Babatukan ko na sana siya uli pero hinarang niya ang kamay ko.

"So ano nga Jojo? Ano palang mayroon sa inyo? Kayo na ba? Pasikreto lang?"

"Hindi noh. Adik ka ba?"

"Eh ano nga? Bakit ka niya hinatid? Akala ko ba hindi kayo close?"

Huminga ako nang malalim.

"Oo na. Huwag mo na lang ipagsabi dahil ayaw ko makarinig ng kung ano sa mga empleyado dito. Oo, magkaibigan kami ni Mr. Alvarez."

Tiningnan ko ang reaksyon niya.

Saglit lang siyang tumahimik.

"Huwehh?? Ikaw pala itong adik, Jojo! Ikaw... pati si Sir Michael... friends??? Seryoso?"

Anak ng. Tingnan mo 'to! Bakit ko ba nakilala ang taong ito? Tiningnan ko siya nang masama at saka siya umayos.

"So walang halong biro? Friends nga talaga kayo?"

Tumango na lang ako.

"Iba ka talaga, Jojo! Iba ang level mo, Pards! Kami ilang taon na ditong nagtratrabaho pero wala ni isa sa amin ang naging kaibigan ni Sir Michael. Tapos ikaw? Ilang buwan ka pa lang, close na agad kayo? Hinatid ka pa. Hindi kita ma-reach friend!"

"Ang ingay mo, Andrea!"

Agad naman niyang tinakpan bibig niya at nag-peace sign pa sa akin.

"Alam na ba ni Topeng iyan?"

Umiling ako.

"Sige promise, Pards, mouth-zipped lang ako. Pero mangako ka rin sa akin."

"Ng ano?" tanong ko sa kanya.

"Na simula ngayon mag-oopen up ka sa akin ahh. Alam ko mukha akong madaldal pero mapagkakatiwalaan naman ako nuh. Pangako iyan! Kaya palagi mo ko kwentuhan huh."

"Sus. Gusto mo lang makichismis sa buhay ni Mr. Alvarez ."

"Grabe, Jojo. Iba yung intensyon ko sa iniisip mo."

Natawa naman ako. Alam ko namang mapagkakatiwalaan rin itong si Andrea.

"Oo na. Sige, pangako."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon