Chapter 25

13.2K 395 10
                                    

25


Jojo's POV


Halos kalahating oras lang yata bago kami nakarating sa pupuntahan namin. Pagbaba namin sa sasakyan, nakita agad namin sina Onel na kakapark lang din ng sasakyan.

Tiningnan ko ang mga taong pumapasok sa bar. Puro naman mga sosyal ang itsura at halos lahat may kanya-kanyang kotse.

"Let's go guys." Yaya sa amin ni Paul.

Nag-alinlangan akong tumuloy kaso hinila naman ako ni Kael kaya wala na akong nagawa.

Pagpasok sa loob, halos mabingi ako sa lakas ng tugtog. Hindi ko na sila naririnig magsalita kaya kung hindi kami sumisigaw, lumalapit kami sa tainga ng isa't isa para magkarinigan.

"Guys, VIP room na tayo." Sabi ni Kael sabay turo sa second floor ng bar.

Pagkarating sa sinasabing VIP room ni Kael, hindi na ganoon kalakasan ang tugtog kaya hindi na namin kailangang magsigawan. Kinutkot ko naman ng daliri ko ang tainga ko. Daig ko pa iyong napasukan ng tubig sa tainga. Nakakabingi talaga.

Nakita naman nila ang ginagawa ko kaya nagtawanan sila. Oo nga. Bakit parang ako lang ang nabingi? Ganoon na sila ka-immune  rito?

"Okay ka lang, Jo?" Mukhang concern na tanong naman sa akin ni Sherlyn.

"Ahh oo. Salamat sa concern." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Hey, guys! What's up?" Biglang may nagsalitang lalaki sa likuran ko.

Lalaking-lalaki talaga ang boses.

"Yo, Brad! Langya buhay ka pa!" Sigaw din ni Kael sa kanya.

Lumingon ako sa kung sino ang bagong dumating. Nakita ko si Miss Pia kasama ang isang... laglag-panga, Pare! Ang lakas maka-Derek Ramsey ng lalaking kasama ni Miss Pia.

Nagbatian muna silang lahat saka lang ako napansin ni Derek Ramsey.

"So siya na ba ang dahilan ng reunion na 'to?"

Sabay-sabay naman silang ngumiti sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Yup. Let me introduce to you, Jojo. Jo, this is Jake and of course his wife na for sure kilalang-kilala mo na, si Pia." Pagpapakilala sa amin ni Kael.

"Oh Jojo, huwag mo akong tawaging Miss Pia huh. Wala naman tayo sa opisina. Pia lang itawag mo sa akin. Pia as your friend." Nakangiting sabi ni Miss Pia... ay Pia lang daw pala.

"Sige P-Pia..."

Nakipag-shake hands naman silang mag-asawa sa akin. Siya na pala ang Jake na asawa ni Pia. Nak ng! Bawal ba ang pangit sa barkadahan nila? Bakit artistahin sila lahat? Sabagay mayayaman sila. Kayang kaya nilang alagaan nang maigi ang katawan nila.

Haaaay. Hindi ko minsan kinuwestiyon pagiging mahirap ko pero ngayon, parang ramdam kong unfair nga ang mundong ito.

 "So let me thank you, Jojo..." Nakangiting sabi sa akin ni Jake.

"Thank you?" Kunot-noong tanong ko.

"Yup. Thank you dahil napagkita-kita mo kami ulit ng mga siraulong 'to. Matagal ng hindi nagpapakita ng mukha sa akin iyang mga 'yan ehh." Paliwanag niya.

"Kaya dapat sagot mo na itong gabi na 'to, Jake! Sigurado naman kaming namiss mo kami." Singit ni Kael.

"Mukha mo. Kailan ka ba nagbayad dito? Palagi mong tinatakbuhan bill mo dito." Sagot sa kanya ni Jake.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora