Chapter 26

12.4K 360 4
                                    

26


Jojo's POV


Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Nag-aalala pa rin ako kay Kael. Bigla na lang siyang nagyaya kagabi na umuwi at ihahatid na ako.

Tapos pagdating sa sasakyan niya ni hindi siya nagsalita kahit hanggang pagdating namin dito sa tapat ng bahay. Pagkababa ko sa sasakyan, tumango lang siya saka umalis na agad. Hindi naman siya ganoon.

Tinext ko si Onel pagkarating ko sa bahay. Sabi naman ni Onel ay bumalik sa bar si Kael pero hindi naman na sila kinakausap nina Pia at Jake kaya hinayaan na lang daw nila.

Ano kayang nangyari? May nangyari kayang problema?

"Ang aga-aga ang layo na ng tingin ah."

Tiningnan ko si Andrea. Maaga na naman itong mangungulit.

"Uyy, magkwento ka na dali. Kagabi pa ako kating-kati na tanungin ka kaso sabi nina Tiyang ay inumaga na kayo ni Sir Michael. Aba huh! Lumelevel up na talaga paglalandi natin diyan, Jojo ahh! Inuumaga ka na. NagmoMOMOL kayo ni Sir Michael nuh?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Sabay bato sa kanya ng tuwalya na nakasabit sa balikat ko.

"Bunganga mo talaga, Andrea." Inis na sabi ko sa kanya.

"Sorry lang naman. Ito naman. Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Sige na. Saan ka pala dinala ni Sir Michael buong magdamag?" Excited na tanong niya.

"Wala. Lumabas lang kami kasama ang mga kaibigan niya..."

Halos lumuwa naman ang dalawang mata ni Andrea sa sinabi ko.

"Kaibigan ni Sir Michael?! Jusko, Jojo. Hindi ko na kinekeri ang haba ng buhok mo huh."

Lumapit na rin sa aming dalawa ni Andrea si Topeng.

"Naku, Christopher. Itong Tid mo umaasenso ehh." Sabi ni Andrea kay Topeng.

"So nakilala mo na rin Jo pati si Mr. Alcantara??" Baling niya ulit sa akin.

Tumango lang ako.

Parang naman kinuryente sa kilig si Andrea na kinakunot ng noo namin ni Topeng.

"Nakakainggit ka talaga, Jojo! Nakakainis. Bakit ba ang swerte-swerte mo? Alam mo bang hindi basta-basta nakikihalubilo sina Mr. Alcantara? Sabi pa nga ng mga chismosang empleyado sa mall, si Sir Michael lang ang pinaka-approaching sa kanila. Tapos ikaw nakilala mo na sila!"

"Mababait naman sila. Sa umpisa nga lang nakaka-intimidate kasi puro sila mukhang artista at mga bigtime talaga. Pero magugulat ka na lang din dahil wala ni isa sa kanila ang matapobre. Parang imposible nga kung iisipin. Eh yun ang tingin nating mahihirap sa kanilang mayayaman, kaya nga nagulat ako noong nakasama ko sila kagabi."

"Kwento mo naman sa amin ni Topeng kung anong adventure ka na naman nagkaroon kagabi."

Ikinuwento ko sa kanila mula noong pumunta kami ni Kael sa bahay nina Paul at ang pagiging malapit agad namin ni Sherlyn hanggang sa bar. Pero hindi ko na sinabi ang tungkol sa pagbabago ng aura ni Kael.

All throughout ng pagkukwento ko, nakabuka lang ang bibig ni Andrea. Sinarado na nga ni Topeng dahil siya na raw ang nangangawit tingnan.


Hindi na ako dumaan sa opisina ni Kael kasi nagtext sa akin si Pia na magpahinga na lang daw ako sabi ni Kael. Natuwa naman ako dahil concern pala si Kael kaso nalungkot din ako dahil si Pia pa ang pinatext niya. May number naman niya ako, di ba?

Pagkatapos ko magduty sa restaurant ni Mr. Chan ay sabay na kami ni Michelle na naghanda para sa class namin.

"Jo, bakit parang malamya ka yata ngayon? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Michelle.

Umiling lang ako.

"O baka may namimiss ka lang?" Panimula na naman niya sa pang-aasar niya.

"Huwag mo na akong simulan. Wala kang mapapala sa akin ngayon." Walang gana kong sagot sa kanya.

Tumahimik naman siya.

Nag-aalala talaga ako kay Kael. Baka may problema na naman siya. Wala akong gana makinig sa klase namin ngayon. Parang mas gusto ko na lang muna umuwi. Pero hindi naman ako anak-mayaman para sayangin ang binayad kong tuition dito.

Ipokus ko muna sarili ko dito at mamaya ko na lang ulit problemahin ang mga iniisip ko.

"Sigurado ka ba, Jo, na okay ka lang? Parang may iba talaga ehh." Pangungulit na naman ni Michelle.

"Wala nga. Nakakaramdam lang siguro ako ng pagod ngayon."

"Okay..." Mukhang hindi pa rin naman siya nakuntento sa sagot ko.

Naglakad kami ni Michelle palabas ng gate. Tumingin ako sa parehong kaliwa't kanan ng kalsada. Pero parang nalaglag ang puso ko dahil hindi ko makita ang sasakyan niya.

"Hmmp. Mukhang alam ko na ang problema ahh."

Tiningnan ko si Michelle na kapareho ko rin palang tinitingnan kung nasa labas si Kael.

Nasanay lang rin siguro ako na palagi siyang naghihintay sa labas ng school kahit hindi naman talaga niya dapat ginagawa iyon. Magkaibigan lang naman kami eh. Hindi naman niya ako girlfriend.

Napahinga na lang ako nang malalim.

May problema nga siguro talaga.

"May LQ kayong dalawa nuh?"

"Ang LQ ay para sa dalawang taong may mutual feelings lang. Wala kaming ganoon." Sagot ko kay Michelle.

"Ouch! Ang lalim ng hugot natin ahh. Unrequited love ba ito? Sa lagay niyo na iyon, unrequited love pa pala 'yun huh? Sigurado ka?"

"Ewan ko sa'yo. Magsimula na tayong maglakad at gusto ko ng makakain sa bahay."

"Iwas-queen ka talaga. Kahit sino namang tao na hindi manhid at bulag kagaya niyong dalawa, makikitang may something sa pagitan niyo. Kung feel mo na hulog na hulog ka na, mas okay na rin sigurong alamin mo rin kung ano ang status mo sa puso niya. Mahirap iyang ginagawa niyo pareho ehh. Kapaan kayo ng feelings."

"Wala naman talaga kaming problema... yata? Hindi ko alam. Haay. Hayaan na nga natin. Magsasabi rin naman iyon."

Naglakad na lang kami ni Michelle.

Habang naglalakad at pinag-uusapan kung ano ang mga plano namin sa buhay, napatigil kami sa paglalakad nang may humintong isang van sa tabi namin.

Pareho kaming mukhang kinabahan. Uso pa naman kidnapan ngayon. Jusko ano namang makukuha nila sa akin. Pero bahala na. Lumabas lang itong mga kidnappers na 'to, lalabanan ko sila.

Natuto naman akong magjudo noong high school kaya may pangself-defense ako.

Ready to fight na ako nang bumukas ang pinto...

At bumungad sa amin ni Michelle ang magandang mukha ni Sherlyn.


"Jojo, sakay na kayo."

Yaya niya sa amin saka niya kami hinila ni Michelle sa loob ng van.



Bakit siya nandito?

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now