Chapter 21

12.9K 371 19
                                    

21


Jojo's POV


"Hmmp Jojo, mukhang hindi mo naman yata talaga kailangan ng kasabay ngayon pauwi eh." Biglang sabi ni Michelle habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?"

Sabay nguso naman niya sa isang sasakyan na nakahinto sa hindi kalayuan mula sa gate ng campus. Sasakyan iyon ni Kael at nandoon siya nakatayo sa labas ng sasakyan at nakasandal.

"Grabe, Jo. Infairness, walang mintis iyang si Sir Michael huh. Simula noong unang gabi ng klase natin hanggang ngayon, palagi ka niyang sinusundo ahh. Umamin ka na kasi. Anong level na ba talaga kayo?" Pang-uusisa ni Michelle.

"Siraulo. Magkaibigan lang talaga kami niyan."

"Wow naman. Artista lang ang peg? Ang showbiz huh!"

"Kung nanliligaw iyan, edi sana may hawak-hawak na bulaklak 'yan." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Awtsuuu."

"Nababahing lang?" Tanong ko na ikinatawa niya lang. Pang – asar talaga.

"Akalain mo, ibang level iyang si Sir Michael pero naging malapit kayo. Ang ibang mga babae nga diyan puro pagpapaganda ang inaatupag sa buhay, makakilala lang ng katulad ni Sir Michael. Pero ikaw simple lang, boyish ang peg pero may Sir Michael. Eh kung mag-boyish look na rin kaya ako, sa tingin mo magkakaroon din ako ng Sir Michael?"

Binatukan ko nga.

"Siraulo. Lipas-gutom ka lang."

Naglakad na kami palapit sa kinaroroonan ni Kael. Ano na naman kasi ang ginagawa niya ngayon dito? Hindi ba ito busy sa kompanya nila?

"Uyy, Kael. Nandito ka?"

Nakangiti siyang lumingon sa amin habang nakapamulsa na naman ang dalawang kamay niya. Mannerism niya na nga yata iyon, o sadyang alam niya lang na mas malakas ang dating niya kapag ganoon.

Ito ngang si Michelle akala mo malalaglag na ang pwedeng malaglag sa kanya. Grabe kung kiligin ehh.

"Wala. Kaluluwa ko na itong nakikita mo. Kakamatay ko lang kasi. Kani-kanina lang." Ngingiti-ngiti niyang sagot.

Tiningnan ko siya nang masama.

"Alam mo ikaw, minsan mga joke mo baduy eh. Cup noodles pa, braaad!"

Tumawa lang siya at nakitawa rin naman itong si Michelle.

"Ahmmp wait." Saka binuksan niya ang pinto ng kotse at may kinuha sa loob.

Halos malaglag naman ang panga ko ng makita kong isang bouquet ng bulaklak ang kinuha niya sa loob ng sasakyan niya.

"Jo, para sa'yo nga pala ito." Sabay abot niya nito sa akin.

"Hindi naman pala nanliligaw..." pasimpleng bulong ni Michelle sa tabi ko at agad ko naman siyang siniko.

"Oy, Kael. Ano naman 'to?" Tanong ko sa gwapong nilalang na nasa harap ko.

"Bulaklak. Roses to be specific." Painosenteng sagot naman niya. Sarap lang sipain ng sagot ehh.

"Patawa ka." Tumawa lang ulit siya.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now