Chapter 35

7.7K 255 21
                                    

35

Maaga akong pumasok sa opisina ni Kael para maglinis. Nagkasunud-sunod ang leave ko kaya nag-aalala na ako at baka inaamag na opisina niya.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Lola Mira na nakaupo at nagkakape.

"Oh, hija? Ang aga mo naman masyado." Sabay senyas sa akin na umupo sa tabi niya.

"Lola Mira? Maaga po talaga akong naglilinis para pagdating ni Sir Michael at ni Miss Pia ay malinis na lahat. Eh kayo nga po ang masyadong maaga dito. Bakit po kayo narito?"

"Paborito kong pahingahan 'tong office ng ganitong oras. Tahimik, maaliwalas, at maganda ang tanawin na makikita sa labas ng bintana. Kamusta ka na pala?" Biglang tanong niya sa akin.

"Ayos naman po ako."

"Balita ko nag-aaral ka ulit? Hindi ka ba nahihirapan niyan? Trabaho dito sa umaga, trabaho sa restaurant sa hapon, then aral sa gabi? Paano ang kalusugan mo niyan, hija?"

"Naku, Lola Mira. Huwag po kayong mag-alala. Sanay na po katawan ko kaya parang daily routine ko na po lahat ito."

"How about your heart?"

Wala akong iniinom pero bigla akong nasamid sa laway ko. Bakit biglang ganito tanong niya sa akin?

Hinawakan ko dibdib ko. "Okay naman po, Lola Mira. Normal pa rin naman po ang tibok niya." Painosente kong sagot.

Tumawa naman siya nang mahina. Ang classy ng tawa ni Lola Mira. Bakit ganoon? Pati tawa nila tunog-mayaman.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Sobrang dami mong ginagawa, do you have special someone?"

"Lola Mira naman. Buong araw po akong trabaho at aral, eh malabo na po akong magka-oras sa ganyan."

Ngumiti lang si Lola Mira.

"I see. But how do you see my grandson?"

"Po??"

Jusko. Kung hindi pa ako inaatake sa puso sa feelings ko kay Kael, mukhang matutuluyan akong atakihin sa puso sa mga tanong ni Lola Mira ngayon.

"I mean, how do you see my grandson? Do you like him?" Sabay hawak niya sa kamay ko. "Don't worry, you can be honest with me. Anyway, I am aware that you and Kael are close friends."

Bakit kapag si Lola Mira ang kausap ko, parang hindi ko kayang magsinungaling kahit isang salita? Napakagenuine and sincere niya sa akin pero bakit parang may iba pa. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko.

"Alam niyo po?"

Tumango naman siya habang nakangiti.

"So how do you see him?" Tanong niya ulit.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now