prologue

12.3K 365 62
                                    

That day, without noticing it, I started painting a tragedy with blood as its colors, my hands as its brushes . . .

And the streets as its canvas.

It was an afternoon in May, the day seemed peaceful as vehicles and people swarmed around, when I learned that I could destroy the world. The peace was broken when the sky had fallen. Streets burst into horrendous chaos as people's blood was spilled across the districts.

By them.

And by myself.

It was overwhelming, I felt adrenaline rushing through my veins. Shock coursed through my nerves as I did what I did. But I didn't have any choices left.

It was the only way.

There were times I wanted to shred my skin, melt my flesh, and shatter my bones. Those were the punishment of the ancient people gave to accused vicious monsters.

I was a monster.

To the blood. To the very bone.

I never wished for this. Hindi ko naman ito ginusto pero bakit ako pa ang napili para dalhin ito? Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Matutuwa ba ako o kakatakutan ang aking sarili? Ayoko nito. Hindi ko ito gusto.

Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Hindi ko ito gusto. Alisin niyo ito sa akin. Alisin niyo ito!

Wala akong magawa. Pinanganak na akong ganito. Pinanganak akong may ganitong uri ng kakayahan.

Kakahayang kayang sumira ng lahat. Hindi ko rin alam kung sakaling malaman man ng tao kung ano talaga ako ay yayakapin ba nila ako o lalayuan dahil sa nagawa kong 'yon?

Kailangan kong pakalmahin ang aking pag-iisip, lahat ng naiisip ulo ko, lahat ng aking pangangamba, lahat ng kinatatakutan ko, at kailangang paniwalain ang sarili na ang lahat ay magiging maayos din. Bubukas ang pintong nasa harapan ko at may sasagip sa akin sa loob ng tubong ito.

Kailangan kong maniwala na dapat may magpakawala sa akin sa impiyernong ito. Dahil kung hindi ay baka matuluyan na akong takasan ng bait.

Hindi ito dapat nangyayari sa akin. Hindi. Tao ako. Hindi ako isang hayop na sasaksakan, ikukulong at pag-lalaruan lamang.

Hindi ito dapat nangayayari sa amin. Sa amin. Hindi lang ako ang ginaganito nila sa pasilidad na ito. Hindi lang ako ang nakakaranas ng ganitong uri ng kahayupan.

Sinubukan kong sumigaw pero hindi ko magawa. May nakatakip sa bibig ko. Sinubukan kong basagin ang salamin na nasa harapan ko pero wala. Hindi man lang ito nagasgasan. Ang isipan ko na lang ang nagsisilbing boses ko at ang sarili ko mismong boses ay wala na. Para bang hinatak at ninakaw nila 'to sa aking lalamunan at kahit anong sigaw ang gawin ko ay wala pa ring kahit maliit na tunog na lumalabas sa aking bibig.

Wala 'kong kausap dito kundi ang utak at ang sarili kong pag-iisip. Lunod na lunod na ako sa mga pangangamba ko, sa mga kinatatakutan ko at ang sa mga kaisipang bakit ako pa ang nagkaganito. Lubog na lubog na ako pero sinubukan kong lumangoy kahit pinipilit akong lunurin ng sarili kong pag-iisip. Ayaw nila akong paalisin. Habang mas sinusubukan kong makawala sa sariling isip ay mas lumalakas pa ang hatak nito pababa sa akin. Pahirap nang pahirap.

Pabigat nang pabigat.

Gusto kong maniwalang may pag-asa pa. Ngunit patuloy pa rin akong nabibigo.

Milyong-milyong sigaw ang nasa loob ng dibdib ko subalit ano pa ba ang punto kung isisigaw ko lahat ng ito kung wala namang makakarinig sa akin.

Pero wala nga palang makakarinig sa akin dito. At wala nang makakarinig pa sa akin.

Natuto akong tumingin na lang sa mga bagay. Sa mga ilaw at sa mga hologram na narito sa loob. Ang mga pader. Ang aking kamay. Ang linya na nakaukit sa aking mga daliri. Ang mga anino. Ang hugis ng aking palad.

Wala akong ginawa kundi magbilang. Bilangin ang mga segundo, minuto, at mga oras na lumilipas. Wala rin akong nagawa kundi manatili rito. Wala naman akong kayang gawin upang makawala sa lugar na 'to.

Dito na ba ako mamamatay?

Hinimatay ako no'ng araw na 'yon at pagkagising ko na lang ay narito na ako sa lugar na 'to. Nanginginig ang kamay ko sa takot. Isipan ko na lang ang may laya. Ang pangangatawan ko ay sinusubukan nilang nakawin sa akin. Kung mangyayari 'yon ay baka magtagumpay na rin silang kuhain ang isip ko mula sa 'kin.

Ayokong mangyari 'yon. Pero wala na akong magagawa. Nagtagumpay na sila at kahit-

May narinig akong pagsabog sa 'di kalayuan. Sa pagsabog na 'yon ay nabuhayan ako ng loob. Para bang may sumilip na liwanag sa kabila ng walang kapagapag-asang kawalan.

Ito na ba ang hinihintay ko?

God's Cage | WOTG #1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ