Fifty-Five

786 54 5
                                    


BEATREESE

JUST LIKE IT WAS shown on the holographic map, there were six double doors, leading to the six rooms, three from the left and another three from the right

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JUST LIKE IT WAS shown on the holographic map, there were six double doors, leading to the six rooms, three from the left and another three from the right.

Those weren't rooms, but a huge circular chambers.

In each door was a small hologram flashing bright against the dim hallway. We trudged inside, hearing the guards heavy footsteps afar, as the door burned and smoked behind us. We didn't care and we were just a step away from rescuing Cade from this horrific place.

Nauna kaming dalawa ni Deo na naglalakad at si Kato naman ay nasa likod namin at nagmamasid-masid sa mga gwardyang darating. Dahan-dahan kaming naglalakad at tinititigan pa namin maigi ang bawat hologram sa mga pinto. Sa unang pinto ay huminto kami't binasa ang nakalagay do'n.

Project: Vanisher

Vanisher?

Wala akong kaide-ideya kung ano ang ibig sabihin no'n at kahit naman malaman ko siguro'y hindi pa rin 'yon maiintindihan. Pinakitamdaman ko ang taong nasa loob. Nararamdaman ko ang wavelength ng utak niya na parang disturbance sa hangin. Masyado itong mahina kung ikukumpara sa wavelength ni Cade.

Oo, hindi ko naramdaman ang wavelength niya no'ng mga araw ng pag-atake. Nakita ko na kung gaano kalakas ang kapangyarihan niya at kung iisipin kong mabuti hindi lang magiging gan'to ang brain waves niya.

Tumingin sa akin si Deo. Inangat niya ang kaniyang kilay sa 'kin na para bang nagtatanong na kung pasasabugin niya na ba ang pinto. Umiling ako bilang sagot. Malakas ang kutob ko na hindi si Cade ang nasa loob. "Sasabihan na lang kita kung iyon na ba ang pinto."

"Akala ko ba ililigtas rin natin ang iba?" tanong ni Kato sa akin. Lumingon na siya sa 'min at kinalimutan na ang mga gwardyang paparating.

"Oo," sabi ko. "Pero kailangan muna nating unahin si Cade. Ikaw na mismo nagtanong kanina na hindi tayo sigurado kung sasama nga ba sila. Kailangan muna nating ipakita na may sumama na sa 'tin at hindi natin sila gagawan ng masama," pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.

Hindi na sumagot si Kato at tumango na lang. "Bilisan na lang natin bago pa tayo abutan rito," sabi niya at tumalikod ulit. Alam ko naman na 'yon at di na niya kailangang sabihin pa.

Naglakad pa ulit kami sa pangalawang pinto. Ang nakalagay naman sa hologram ay:

Project: Rogue Angel

Hindi ito ang pintong hinahanap namin. Tulad ng naunang pinto ganoon pa rin at parang walang pinagbago sa kanilang wavelength. Sa tingin ko si Cade ang pinakahuling nakuha at siguro sa tingin ko ay nasa pinakahuli siyang pinto. Nilampasan na lang namin ang iba at tumungo sa pinakahuling pinto.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now