fifteen | one to be feared

1.5K 93 21
                                    


CADE
One to Be Feared

The rage overflowed and churned in the deepest part of my core like it had its own mind, threatening to control and devour me with its scorching fire. I tried to calm myself up but those words vibrated in my skull over and over again.

Kill them.

Kill them.

Kill them.

Pakiramdam ko parang sasabog ako sa kinatatayuan ko. Tinikom ko ang aking mga kamao at nanginig ang buo kong katawan sa galit. My mind had launched itself into a violent rampage and that had ruled over me, wanting and craving more death in exchange for the sudden grief. Para bang may tali sa loob ko na nabanat nang nabanat hanggang sa ito'y napigtas na lang.

Mamamatay sila.

Pero ito nga ba ang gugustuhin ng mga magulang ko? Na maging isang nilalang na nilamon ng kaniyang sariling poot?

Hindi na 'yon mahalaga. Wala na sila at kung ano man ang kanilang gusto o hindi ay wala lang importansiya pa.

I knocked myself out of these thoughts. Wala na akong pakialam. At hindi na ako magkakaroon pa. Ang mahalaga na lang ngayon ay kung paano ko papawiin itong nagliliyab pagnanasa para sa paghihiganti. Kailangan kong pumatay. Kailangan ko ng hustisiya. Papaslangin ko sila sa pinakamasakit na paraang aking alam.

Wala nang makakapigil pa sa 'kin.

I was a god. With this power within the lines of my palms, I shall be the one to be feared. I shall be the one to kill.

Kill them now!

Kill them now!

Kill them now!

The voice kept whispering to me. It took me a moment to realize it was my own voice. The words kept repeating and repeating inside my head and the only way to make it stop was to do what it wanted.

My consciousness spread, reaching for something—for anything—it could latch itself to for control.

Sumibat sa langit ang apat na mga fighter jets. Inangat ko ang aking dalawang braso at nagintay ng tamanag pagkakataon. Huminto silang apat sa himpapawid na para bang nakatali sa sinulid at nakalambitin. Sa isang pitik lang ng aking kamay ay isang jet ang bumulusok pababa. Tumama ito sa isang gusali at sumabog.

Tatlo pa ang natitira.

The ability made me feel I was bigger—that I was more than what I believed I had been. It emerged out of my head like a spirit, coalescing into an incorporeal force in itself, seeking retribution. Thirsting for blood.

I made the remaining three descend hundreds of feet down until they hovered just meters above the smallest building. I clipped their wings off and the only force that was making them levitate was my power. The pilots had lost their control.

I tossed a plane with a swing of my arm, damning its pilot to a deadly landing.

Two jets remained.

Aside from the blood pumping in my ears I could hear nothing but screams marked with terror.

Huminga ako nang malalim at lumakas ang hangin na parang may nagbabantang buhawi. Inangat nito ang mga magagaang bagay tulad ng mga basura, basag na mga salamin, at mga piraso ng bakal na nagkalat sa kalsada. Nagsayawan ang mga puno sa gilid ng mga daan. Nahaluan ng pagkalito ang takot na namumuo sa hangin. Pero kahit isa sa mga tao ay hindi huminto sa kanilang pagtakbo. Wala na silang pakialam sa biglaang abnormal na paggalaw ng hangin. Isa lang ang tumatakbo sa kanilang mga isip at 'yon at makalayo mula rito.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now