ten | tensions arise

1.7K 108 31
                                    


CADE
Tensions Arise

We brought the conversation onto the balcony overlooking the bustling city below. The cold night air swept our hair and kissed our faces like a mother showing her affection to her children. We could hear the busy streets below—the cars' engines' hums and their horns, and the indistinct chatter of the crowd. The full moon watched us, peeking through a sprinkle of clouds.

Nakatingin lang si Trina sa mga kumpol ng maliliwanag na gusali sa harapan namin habang may hawak-hawak na mainit na tasa ng kape na tinimpla niya pagkatapos niyang maubos ang green tea latte na binili niya. Decaffeinated raw kasi 'yong binili niyang inumin—kaya niya nga ako binigyan—pero ngayon kailangan niya ng pampagising para maproseso ang impormasyong sinabi ko sa kaniya. Nakatayo siya at nakapatong ang dalawang siko sa ibabaw ng railing habang ako naman ay nakaupo lang sa upuang kahoy na mukhan ring eskultura. Nakapatong ang kamay ko sa ibabaw ng bilog na lamesa. Maliwanag man ang buwan hindi na nadapuan ng pilak nitong ilaw ang mukha ni Trina dahil ito'y inunahan na ng mga nakasisilaw na liwanag ng distrito.

"I never knew about that story," sabi niya at inilapag ang tasa sa ibabaw ng handrail. "Hanggang ngayon."

Ibinahagi ko sa kaniya ang kuwento ni Schorsch at Goldberg sa paraang kung paano ito ibinahagi sa buong klase ni Professor Xeán. Sinimulan ko ang kuwento sa pagsabi ni Albrecht na isa siyang Homo supremus na naging daan sa kaniya para maging sikat sa international scientific community na siya namang naging paraan sa kaniya upang makilala si Havierre Goldberg. Itinuloy ko ito sa pag-amin niya na hindi totoo ang kaniyang sinabi at sa sumunod na hindi maipaliwanag na pagkawala niya pagkatapos no'n. Tinapos ko ang buong kwento sa biglaang pagpapakamatay ni Havierre Goldberg.

Nakinig lang si Trina sa paliwanag ko. Minsan nagtatanong siya at dahil do'n ay alam kong interesado siya.

"Bakit naman kaya siya nagpakamatay?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa tanawin sa harap niya.

"People had their own guesses," sagot ko. "At isa sa mga pinakasikat na hakahaka ay hindi kinaya ang hiya."

Tumango-tango siya. "Sabagay," sambit niya. "Pero sapat na ba 'yon para itapon lahat ng pinaghirapan mo para lang sa isang pagkakamali?"

"Siguro para sa 'yo madaling sabihin 'yan pero hindi rin kasi natin alam kung ano ang totoo at kung ano ang tumatakbo sa isip ni Golberg no'n. Malamang n'yan mayro'n pa tayong hindi alam sa buong istorya. I mean, Havierre Goldberg is a prominent name in research about genetic mutation. We've studied him and his contributions to the medical field. Siguro naging dahilan rin 'yong pressure sa kaniya kaya siya nag-suicide."

"Ang gulo talaga ng isip ng mga tao," na lang ang nasabi niya. She shifted and her elbows grazed the cup of tea above the railing. It fell and before the ceramic smashed someone's head below and killed whoever, I had caught it with my ability. I put the spilled drink back on the teacup and brought it back. She plucked it from the air as it hovered. "Sorry."

"No problem."

She took a sip. "May plano ka ba na sabihin 'to kay Mama't Papa?" tanong niya habang nasa bibig niya pa rin ang labi ng tasa.

I sucked a deep breath. "No."

"Why?" she asked. "I'm sure Dad can help you."

"Hindi ko alam," sabi ko. "I just don't feel like it, yet. Sasabihin ko sa kanila pero hindi pa ngayon. Siguro sa ibang araw. Ayoko lang na mag-freak-out sila tulad nang ginawa mo. Tsaka gusto ko munang mas maintindihan 'tong . . . ability na 'to bago ko ipaalam sa kanila." Tiningnan ko ang aking kaliwang kamay at sinundan ng aking mga daliri sa kanang kamat ang mga linyang nakasulat sa palad ko.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now