twenty | a crack in the fortress

1.3K 88 23
                                    


BEATRIX
A Crack in the Fortress

Mataimtim at walang pag-aalinlangan akong naglalakad papalabas ng apartment building nang biglang naisip ko na hindi ko pala alam kung saan sa Obsidian District ang sinasabing space port ni Professor Xeán. But then naisip ko rin na kung sakaling tanunhin ko man siya ay hindi niya rin ako sagutin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang may mga nakakasalubong akong mga college professors na hindi ako pinapansin. Hindi ko na lang rin sila binati dahil hindi ko rin naman sila kilala.

Pagkalabas ko ng elevator ay natigilan ang isang professor. Hindi kasi p'wede ang mga estudyante sa apartment building na 'to kapag ganitong oras. Lalo na ngayon na may curfew na. Nginitian ko na lang siya at dahil tapos na ang academic year ngayon wala siyang nagawa dahil hindi ako nasasakop ng mga batas ng university ngayon. Pumunta 'ko rito bilang isang sibilyan at hindi isang estudyante. Nilampasan ko na lang siya at hindi na pinagtuunan ng pansin pa.

Malas na lang niya dahil bakasyon ngayon at hindi niya ko p'wedeng sermonan at pagsabihan. Technically speaking, hindi na ako estudyante ng CUP ngayong bakasyon. Balikan niya na lang ako sa susunod na pasukan.

Tahimik na at wala na kong ingay na naririnig sa lobby. Lahat na siguro ay nagsi-akyatan na kaya naman nang maglakad ako papalabas ay kitang-kita ako no'ng lobbyist. Nagkatinginan kami nang sandali at nang malaman niyang hindi ako isa sa academic personnel ng university ay nanlaki ang mata niya. Hindi talaga pwede kahit sino sa apartment na 'to unless nag-set ka ng appointment sa lobbyist.

Nakatitig lang siya sa 'kin hanggang makalabas ako at tinitigan ko rin siya hanggang sa makarating sa pinto. Bago ako tuluyang makaalis ng building, binigyan ko muna siya ng isang mapang-asar na ngiti.

The outside was almost empty except for the police officers—their long-barreled guns were slung on their shoulders—who wandered everywhere. They all looked like they were looking for something that wasn't there. Their heads turned here and turned there and here again. And there once more.

The stars were hiding behind the gray clouds and the wind was cold for a summer night. It had caressed my cheeks and the leaves on the trees that lined the brick pathways.

There was a hologram flashing the current time floating beside the orb lights and was so luminous—competing against the brighter light orbs—leaving me no choice but to stare at it. It was already passed seven. I have two more hours.

No. I didn't have just two hours. I had more than that. I had all the time in the world.

Naglakad ako hanggang sa makalabas ako ng university. Nakita kong habang papalapit ang curfew ay mas kumakaunti ang mga sasakyan sa kalsada. Pagka-akyat ko nga ng HoverTube station ay nanibago ako dahil karaniwan kapag ganitong oras ay punong-puno 'to ng tao. Siksikan lagi pagpatak ng alas-sais hanggang alas-siete pero ngayon ay kaya ko nang magtatakbo rito nang walang nasasangging tao.

May iba pa namang mga tao pero hindi na katulad no'n.

Paakyat na ako ng hagdan ng may nakita akong lalaki na balot na balot ang katawan pati mukha niya ay nakatakip at nakasombrero pa. Kasabay ko siya paakyat at hindi ko alam kung bakit siya nakayuko. Hindi niya ako nakikitang nakatingin sa kaniya kaya tinitigan ko lang siya hanggang sa mauna na siya sa 'kin at makarating sa sakayan ng tren.

Nakatayo lang ang lalaki sa gitna na. Sakto, dumating na ang tren at iilang sandali lang ay nagsibabaan na ang mga tao. Kahit naman papaano ay nadagdagan ang mga na'ndito sa loob. Paglabas ng mga tao ay may dinukot ang lalaki sa kaniyang bulsa.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now