Twenty-Four

1.1K 79 9
                                    


CADE

I OPENED MY EYES and noticed I was in a different and unfamiliar room

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I OPENED MY EYES and noticed I was in a different and unfamiliar room. No, this wasn't a room: this was a laboratory of some sorts. I, once again, wasn't wearing anything but a thin silk blanket to cover my lower body. I sat up and the cold air nipped my skin, sending shivers to the bottom of my spine making my hairs rise. I let my eyes wander and saw nothing but a white smooth wall with holograms flashing on its surface.

Napasigaw ako nang bigla na namang may parang bumibiyak sa ulo ko. Napahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng aking noo at hindi mapigilang mapahiga ulit nang dahil sa sakit. Kusang bumaluktot ang aking katawan at nalaglag ang manipis na kumot sa sahig. Hindi ako mapakali. Nagpalit-palit ako ng posisyon hanggang sa malaglag ako at tumama ang buo kong katawan sa malamig na sahig. Nadagdagan pa lalo ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi masyadong maganda ang pagkakabagsak ko dahil unang tumama ang aking tuhod.

I screamed until the needles faded. My breath was racing as if the air wasn't enough for my thirsty lungs. I lay there, above the floor, the coldness of it seeping in to my back, and stared on the bright ceiling. I gathered myself before standing up. I took the thin blanket from the floor and tied it on the side of my waist. It wasn't enough to dampen the coldness but at least it was better from being totally naked. The fact that I was naked in unknown place was enough to make my warm bones shudder.

Sa pader ay mayroong isang napakalaking hologram at may mga mas maliliit pa na nakapalibot sa kaniya. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit para titigan ang mga mas maliliit na hologram para makita kung ano ang mga nakalagay do'n. Mga brain activities. Scans. Heart rate. Blood pressure. Vital signs. Emotions at kung anu-ano pa tungkol sa katawan ko at kung paano ito gumagana. Na'ndoon ang impormasyon sa kung ano ang kalagayan ko. Pagkatpos kong inspeksyonin ang mga malilit na hologram ay ibinaling ko naman ang mata sa pinakamalaki at sa pinakamaliwanag.

Project: "The Alternative Plan"
Project Code: 5ZnAqlCx5921-Cade-OmNeSd7y001
Subject No: 06
Mutation Type: Ability
Ability: Psychokinesis
Whole Name: Alexceous Cade Voight
Age: 18
Power Level: Ω
Purpose: Extreme Weapon
Project Progress: 0%

Hindi na ako nagulat sa mga nabasa ko. Alam ko na ako na nga ang susunod ang ika-anim na subject sa eksperimenting 'to.

Psychokinesis. Alexceous Cade Voight. 18 years old. Tungkol 'yon lahat sa 'kin at kahit papaano ay nagkakaroon na rin ako ng ideya kung bakit ako tinukoy bilang "Extreme Weapon." Ang hindi ko lang masyadong maintindihan ay kung bakit omega—ang pinakahuling letra sa alpabetong Griyego—ang power level ko.

Omega.

Omega.

Omega.

Pinaulit-ulit ko ang salita sa aking isip sa pag-asang magkakaroon ako ng ideya kung bakit ako nabansagang may ganoong lebel ng kapangyarihan. Ang ibig sabihin ba no'n ay napakalakas ng aking kakayahan? O omega ang pinapangsukat kung gaano kamapanira ang isang kakayahan?

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now