Fifty-Four

831 54 4
                                    


BEATREESE

THE ELEVATOR DINGED AND its glass doors opened and we stepped outside, mixing ourselves with the crowd of the employees

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE ELEVATOR DINGED AND its glass doors opened and we stepped outside, mixing ourselves with the crowd of the employees. Masasabi kong ito nga talaga ang departamentong hinahanap namin dahil nakikita ko sa mga dibdib ng mga nakakasabay namin ang araw na logo. Kinukutuban rin ako na dito nga namin makikita si Cade.

Mas maiiksi ang mga hallways dito kumpara sa baba. Dinere-deretso lang namin 'yon hanggang sa makarating na naman kami sa isang lobby na hindi hamak na mas maliit kaysa nakita namin kanina. Mga lumulutang rin na lamesa, hologram at kung anu-ano pa. Sa gitna ng lobby ay mayroong holoram na mapa ng buong department.

Nilapitan namin ang mapa at nakitang napakalaki pala nito at aabutin kami ng siyam-siyam kung lilibutin namin ang buong departamento. Sa bawat seksyon at kwarto ng mapa ay may mga nakasulat. Tulad na lang ng main room, meeting room, workers' office, directors' office, special room, laboratory, simulation room, at napakarami pang iba. Sa pinakagitna ng departamento ay may isang malaking kwarto at ang nakalagay ay Head Director's Office.

Marami ring mga hallways na nagdurugtong sa mga lugar na 'yon. Para bang ang lugar na 'to ay isang malaking maze at ika'y maliligaw kung hindi mo kabisado ang buong lugar.

Inilibot ko pa ang mata ko sa mapa at nagkaroon ako ng kutob na dito namin maaring makita si Cade. Ang Weaponizing Division na kung saan ay mayroong anim na kwarto na magkakatabi. Bubuksan lang namin isa-isa ang kwarto hanggang si Cade na ang makita namin. Sigurado ako na nahando'n siya dahil tumutugma ang anim na kwarto sa sinabi ng lalaki kanina patungkol sa anim na subjects.

Ibinaba ko pa ng kaunti ang aking titig hanggang sa mayroon akong nakita: ang escape pods. Habang nakatingin ako sa mapa ay may namumuo nang plano sa aking utak. Tinandaan ko ang mga direksyon na aming tatahakin. Sa abilidad kong 'to, hindi na rin problema sa akin ang pagkakabisa.

Humarap ako sa dalawa kong kasama. "Ito ang plano natin. Simpleng-simple lang." Huminga ako ng malalim at binigay naman nila ang kanilang buong atensyon sa 'kin. "Una, pupunta tayo sa division na ito," turo ko sa Weaponizing Division, "dahil malaks ang kutob ko na baka dito natin mahahanap si Cade. Baka mailigtas na rin natin ang iba pa kung may'ron ngang iba. Pangalawa, pagkatapos no'n ay tatakas tayo sa pamamagitan ng escape pods sa bandang baba lang ng Weaponizing Division. At pupunta na tayo pabalik sa Earth." Tumatango-tango ang dalawa habang ako ay nagpapaliwanag. Napakadaling sabihin ng mga bagay na 'to. Hindi ko na lang alam kung ganokn din 'yon kada,ing gawin. "Pangatlo, gamitin lang ang ability kung kinakailangan dahil ayaw naman siguro nating kumuha ng atensyon na makakasagabal lang sa 'tin. Maliwanag ba?"

"'Wag kang mag-alala," sabi sa 'kin ni Deo. "Kabisado ko na rin 'tong lugar na 'to."

I wanted to ask him how did he know about this place. But then, I decided against it.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now