eight | goldbergian theory

2.1K 123 15
                                    


CADE
Goldbergian Theory

As the winds whistled outside and the clouds parted to let the bright sun grace the district with a generous amount of sunlight, I sat above the soft sheets of my bed, staring at the white walls. Hindi rin ako nakatulog at sa halip ay pinanood lang ang buwan at mga bituin na unti-unting mawala sa madilim na langit hanggang sa dumating na ang araw mula sa silangan. Mula dito sa aking kwarto ay kitang-kita ko ang skyline na umaabot sa maaliwalas na umaga. Mukha silang malalaking espada na bagong panday kapag sila'y tinatamaan ng sikat ng araw.

Hindi na bumalik ang mga malakarayom na sakit sa ulo ko. Sa halip ang naramdama ko lang ay. . . . wala akong maramdaman bukod sa—

Takot. Buong gabi ay balot ako ng pangamba.

Takot sa mga bagay na kayan kong gawin. Takot sa mga bagay na kaya kong idulot.

Paano ko 'to maipaliliwanag sa kanila?

I took a deep breath and let my eyes linger on the books—both in hardcovers and paperbacks—lying facedown on the floor. I cleaned the mess using my ability. The pages fluttered before they shut closed and went back to their respective places beside my computer. Looking at them, it was as if there was some kind of magic. As if I was in a fantasy movie.

Would I tell this to someone? But to whom?

I stood up and this time I approached the windows and opened them again using my own hands. The wind slapped me across the face. Its breath left a sensation in my cheeks.

Ito ang araw na nalaman ko kung ano ba talaga ako. Ako ang susunod na hakbang sa human evolution. Paano tatanggapin ng mga scientists ang balitang 'to kung malalaman nila na may taong dumating na sa susunod na kabanata sa human evolution? Ano kayang gagawin nila? Magiging katulad ba ako ni Albrecht Schorsch na magiging instant celebrity sa buong mundo? Dadakpin ba nila ako para pag-eksperementuhan sa ngalan ng agham? At kung mahahanap na nnila ang mga sagot na kanilang tinutunton gagamitin ba nila 'yon sa kanilang mga pansariling interes?

Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na 'to. Pero sa lahat ng 'yon ay sa isang bagay lang ako nakasisiguro: walang ibang makakaalam ng tungkol dito. Bukod na lang sa mga taong pipiliin ko na tiyak akong mapagkakatiwalaan.

This power was mine and only mine to control.

I lay above my bed and took a deep breath. I closed my eyes for a while and after hours of one bizarre and wakeful night, I fell asleep.

I lay on a stretcher, my body weak and limp due to reasons that transcended me. People with faces I did not recognize pushed me through the endless white hallways in a place my mind couldn't recall. I noticed there was something written on the walls but my vision was foggy, as though I was in a place of mist and haze. All I could discern was blurred black letters. I tried to read them on every turn and they all looked the same to me. Smudged. As if smeared. They turned left and right until we arrived at a circular chamber filled with machines and holograms. There was a table made of clear glass in the middle and on top of it were apparatuses that were dangling on the ceiling. They settled me above it.

My breath caught in my throat as the cold surface of the glass touched the small of my back. The freezing air nipped on my bare skin, sending shivers on each nerve like a spark of lightning.

May mga taong balot na balot sa dark-blue hazmat suits na parang mukhang mga alien dahil sa kulay itim na visor sa kanilang mga helmet. Wala akong makitang kapiraso ng mga balat nila kaya hindi ako sigurado kung tao ba talaga sila o ibang mga nilalang. Nakatayo sila sa harapan ng mga holograms habang mabilis na gumalaw ang kanilang mga daliri sa ibabaw ng keyboards. May mga tubong nakakabit sa kisame na nagsimula gumalaw na parang mga ahas at dahan-dahang kumabit sa balat ko na parang mga linta na sumisipsip sa aking dugo. Pero sa halip na higupin ang buhay sa dumadaloy sa bawat ugat ko ay may tinurok silang mga kulay sementong likido.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon