eleven | the threads of the world

1.7K 99 16
                                    


CADE
The Threads of the World

Sunlight spilled in the little spaces between the drawn curtains, bathing the room with a faint glow of morning light. I woke up and immediately wished I hadn't. My head hurt. An axe splayed my skull wide open and tiny million needles poked my brain. I pressed my face so hard against the pillows I was so sure my features would be molded on it. The needles remained and didn't recede a little bit.

Umayos ako ng posisyon at humilata sa kama. Tinitigan ko ang kulay asul na kisame ng bakanteng kwarto dito sa apartment ni Trina at hinintay mawala ang sakit ng aking ulo pero walang nangyari. Ang mga karayom ay patuloy na tinusok ang aking utak pero sa pagkakataong 'to ay kahit papaano ay kinakaya ko. Para lang silang kiliti.

Bumalik ang isip ko sa kung anong nangyari kagabi. Alam na ng nakatatanda kong kapatid ang tungkol sa 'kin. Alam niya na ang tungkol sa 'king 'di pangkaraniwang abilidad.

Ililibing ko na sana ang aking sarili sa ilalim ng mga malalambot at komportableng mga unan nang biglang tumunog ang alarm ng phone ko na parang may nuclear meltdown. I groaned and wrapped myself in the white blankets and tried to muffle the deafening sounds with the pillows. Nagpatuloy lang sa pag-vibrate ang phone ko. Nairita na ako kaya naman wala akong ibang choice kundi bumangon at patayin ang alarm.

I planned to go back home. The reason why I visited her was to tell her everything about my situation. I could use someone—especially my elder sister—to share my secrets with. It gave me a little comfort, knowing I could trust her.

Ipinahiram sa akin ni Trina ang isa sa mga oversized T-shirts niya na sakto lang sa 'kin at pajama na may mga flower prints. Pagkatapos kong kumbinsihin ang sarili na bumangon pagkatapos ng halos kalahating oras ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Sinuot ko na lang 'yong damit ko kahapon pero hindi ko na sinuot 'yong denim jacket kasi medyo may kainitan ngayong araw.

Naghihikab akong pumunta sa kusina at nakita si Trina na kumakain ng kaniyang almusal. May siningag, makakapal na slices ng bacon, piritong itlog na malabsa pa ang pula, mushroom soup, isang bilao ng sapin-sapin, at isang malaking mangkok ng fruit salad sa ibawbaw ng lamesa. Nadatnan ko siyang ngumunguya habang may binabasa sa phone niya.

"Don't tell me ganito lagi almusal mo araw-araw?" sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Kumain ka na lang d'yan," sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Halatang absorbed na absorbed siya sa kung ano mang binabasa niya.

I placed a small plate in front of me and made myself a nice breakfast. I took all the aroma and held it in my lungs. I couldn't remember the last time I feasted on a breakfast like this.

"Ano bang binabasa mo?" tanong ko.

"Wala."

I put a spoonful of mushroom soup in my mouth and sneaked a look at her phone. I couldn't see what she was reading. The letters were too small. By the looks of it, she was immersed and nothing could distract her.

"Alam mo ba na may controversy tungkol sa kung nakita ba nila o hindi 'yong katawan ni Havierre?" panimula niya. Kumagat ako sa kinuha kong bacon at nag-pretend na hindi ako sumilip sa phone niya. Nagbabasa pala siya tungkol kay Havierre. Siguro napukaw ang interes niya ng usapan namin kahapon.

I cocked my head to the side, remembering if Professor Xeán mentioned something about Havierre's corpse's whereabouts. "Hindi. Ang alam ko lang na sinabi sa 'min ni Professor Xeán ay nag-commit siya ng suicide. 'Yon lang." Nagkibit-balikat ako at sumubo ng sinangag na umuusok pa.

"Nag-search ako nh mga bagay-bagay tungkol sa kaniya kagabi," sabi niya at ibinaba ang tinidor na kaniyang hawak. Tumingin siya sa 'kin.

"Kaya pala may eyebags ka."

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon