seven | revelation of oneself

2.2K 136 47
                                    


CADE
Revelation of Oneself

Careening to our own deaths with fear tugging at my heart like a heavy anchor, my hands trembled as I clutched the leather seats of Zike's car. My wide eyes watched the truck as it hurtled toward us.

Pumikiy na lang ako at inihanda ang sarili. Sa bilis nang takbo ng kotse namin ay sigurado akong hindi na kami mabubuhay pa pagkatapos naming mabangga. Sira ang preno. Unti-unti kaming lumapit sa 'ming kamatayan.

At para bang binuhusan ako ng mmalamig na tubig ay do'n ko lang na-realize.

Mamatay na nga talaga kami.

Huminto ka, sabi ko sa 'king sarili.

Walang nangyari.

Huminto ko na, I screamed in my head over and over until the car's engine's roar was lost in the constant howl of my voice.

Kung sino man ang nagsabi na mapapanood mo raw ang buong buhay mo na parang sine sa harapan mo bago ka mamatay ay nagsinungaling. Wala akong makitang iba kundi ang likod ng talukap ng aking mga mata. Wala ring tumatakbo sa isip ko kundi ang hiling na sana huminto na 'tong lintik na kotseng to.

Hindi ko pa gustong mamatay.

Sa dinamirami ba naman ng oras bakit ngayon pa nasira ang preno ni Zike!

Huminto ka! Puñeta naman!

Alam kong wala nang mangyayari at katapusan na naming dalawa. Ito na ang huling gabing buhay ako dahil kinabukasan ay ako'y wala na. Hindi ko alam kung sino bang pupunta sa burol ko o kung iki-cremate ba ako—

Biglang huminto ang sasakyan.

Our bodies lurched forward and backward. The back of my head smashed against the soft leather headrest of the car seat. My eyes were still closed and I couldn't open them. I didn't want to. I shut them so tight I might as well have stitched them together.

Kinumbinsi ko ang aking sarili na buhay pa kaming dalawa bago ko binuksan ang mga mata ko. Muntik na akong mapapikit ulit dahil sa liwanag na bumulaga sa 'kin. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na si Zike sa driver's seat. Hinarangan ko na lang ng braso ko ang nakabubulag na ilaw na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Even though Heaven was a myth, I couldn't stop thinking if this was the place. It was so luminous that even though my eyes had been closed the light still penetrated my eyelids.

My head began to pulsate inside my skull, but this time it was bearable.

Then, I heard something—

Someone.

Lumabas ako ng sasakyan at hinanap kung saan nanggagaling 'yong boses. Nakita ko si Zike na nakikipag-usap sa driver ng truck at humihingi ng pasensiya.

"Pasensiya na po talaga," sabi niya at pinagdikit pa ang dalawangf kamay na parang nananalangin. Isang maliit at matabang lalaki—ang truck driver siguro—ang nakatingin sa kaniya nang masama. Wala na lang nagawa si Zike kundi humingi na lang ng tawad nang paulit-ulit.

Nagsimulang kumuha ng atensyon ang sitwasyon at nagsimula ring magbulungan ang mga tao na nakikiusisa habang kunikunan nila ng video ang aksidenteng muntikan nang maganap. Ang iba ay bumaba pa sa kanilang mga sasakyan para lang makita kung ano ang nangyari bakit biglang huminto ang daloy ng trapiko samantalang ang iba naman ay bumusina na lang, halatang mga nagmamadali.

I rushed to the front of Zike's car and I could not believe what I saw. His car was only an inch away from colliding with the truck's side.

We were an inch away from our own deaths.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now