Thirty-Eight

967 67 25
                                    


BEATREESE

FOR THE NTH TIME of the night, I had then again encountered darkness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FOR THE NTH TIME of the night, I had then again encountered darkness. The whole spaceport was absent with any presence of electricity. All were dead: I mean the lights, engines, and everything—not everyone—were dead. Sa sobrang dilim kapag pumikit ako ay walang pinagkaiba kalag nakadilat ako. Pati mga emergency lights dito ay ayaw na ring bumukas. Ayaw ring gumana no'ng generator.

Wala akong narinig kundi mga bulungan. Pinag-uusapan kung ano ang naging dahilan sa pagkawala ng kuryente. At kapag may mga ganitong mangyayari ay alam ko na agad kung sino ang dapat ituro. Walang iba kung hindi si Kato.

Hinintay kong makapag-adjust ang mata ko sa dilim hanggang sa maaninag ko siya na nakatayo lang sa aking likuran. Nilibot ko ang aking mata. Inikot bawat sulok pero kahit isang dampi ng isang maliwanag na bagay ay wala. Para kaming nasa kawalan. Para kaming tinapon sa kaduluduluhan ng kalawakan kung mayro'n man. Walang katapusang kadiliman ang nakabalandra ngayon sa aking harapan. Salamat na lang sa ilaw na nanggagaking sa buwan na pumapasok sa bintana ay kahit papaano ay may naaaninag man lang kami.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung anong nararamdaman ng mga tao dito dahil sa tono pa lang ng kanilang mga bulungan ay masasabi ko na na nagpapanic sila. Pero may natitira pa rin naman na kalmado pa rin. Siguro'y kampanteng-kampante sila na kaya silang protektahan ng mga pulis kung mayro'n na namang terrorist attack. Sa bagay, kung ako ang tatanungin, sino ba naman ang hindi magiging kampante kung ang mga bantay na nasa loob ng gusaling ito ay ang mga pinakamagagaling sa buong mundo. Pero hindi rin natin masasabi dahil mayroon ngang nakalusot na mga terorista sa kanila.

"Passengers, please calm down! Everything will go back to normal after fixing this problem!" Isang boses ng lalaking nagpatigil sa lahat. Nawala lahat ng bulungan at ang maririnig mo lang ay ang mga paghinga ng bawat tao.

At sakto, nagkaroon ng mga ilaw sa iba't-ibang parte ng palapag na ito. Floating orbs of light hovered around the whole floor, giving us some light. Some of the lights emanated luminous blue color while the other radiated bright white lights. It turned out emergency lights weren't dead at all. Each police officers had one circling them like wisps as they walked and hurdled people in one place while calming them at the same time.

Kung mayro'n sila, siguradong mayro'n din kami. Kinapa ko ang pantalon ko at may naramdaman akong isang maliit na pabilog na bagay sa loob ng purse na nakasabit sa aking sinturon. Kinuha ko ito at kasing laki lang ito ng bola ng golf ball. Nagulat na lang ako nang bigla itong umilaw at unti-unti lumipad sa ere habang papalaki nang papalaki. Lumingon ako at nakita ko na ginagawa na rin ni Kato ang ginawa ko. Lumutang ito ng iilang sandali sa tapat ng kaniyang mukha bago pa umangat sa itaas lang ng kaniyang ulo.

Nagbalikan ulit lahat ng bulungan pero hindi na katulad ng kanina. Ngayon ay medyo mahina na lang at hindi na rin umaalingawngaw sa paligid. Naisipan kong tanungin si Kato kung ano ang nangyari.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon