thirteen | dominus vobiscum

1.6K 96 13
                                    


BEATRIX
Dominus Vobiscum

No'ng bata pa ako, madalas ko nang naririnig sa mga matatanda na, "Ang ganda-ganda mong bata tapos baril-barilan nilalaro mo?"

"Mas maganda 'tong pink kaysa green!"

"Talaga? Alam mo kung pa'no humawak ng baril? Anak ka nga talaga ng tatay mo."

Nagsimula 'yon no'ng maliit pa lang ako at ngayong high school graduate na 'ko sadyang nasanay na lang talaga ako. It was already New Era and yet the remnants of patriarchy and the idea of what this gender's and that gender's roles should be were still present. 

"Knights save princesses. Not the other way around."

Itong huling 'to ay narinig ko sa teacher ko no'ng Grade 5 sa elementary school na pinasukan ko na hindi rin naman gaanong kalayo sa CUP. Costume Day no'n na kung saan lahat ng bata ay magsusuot ng kahit anong costume na gusto nila. Pagkatapos ng klase ay magkakaroon ng party na punong-puno ng matatamis akala ko mabubulok na mga ngipin ko no'ng araw na 'yon.  My classmates had been pirates, princesses, fairies, and wizards, and there was even a boy who dressed like a hotdog. Cade had worn a vampire costume and caked his face with white makeup and blood-red lipstick complete with fake plastic fangs which he later removed because he couldn't speak properly.

I was dressed as a knight complete with silver armor, a helmet made of plastic, and a 3D-printed broadsword my father had bought for me the day before.

"Sino ka d'yan sa suot mo?" tinanong sa 'kin ni Cade habang nilalaro niya ang kaniyang itim na kapa.

"Ano pa ba? Eh 'di isang kabalyero," sagot ko. "At papaslangin kitang bampira ka!" Itinutok ko ang espada ko sa kaniya at hinabol siya nang paikot-ikot sa buong classroom. Nagtawanan lang kami na para bang kinikiliti. 

Naalala ko na lang 'tong childhood memory na 'to habang ako'y nakatingin sa pink na baul na nakakandong sa 'kin. Ngayong naisip ko na sila napagtanto ko na ang bilis pala talagang tumakbo ng oras. May mga araw na mabagal at may mga araw rin na kay tulin na parang lumipas lang ang isang kurap ng mata. 

Binuksan ko ang kahon at maingat na kinuha ang diskargadong baril. Iniregalo sa 'kin to ng tatay ko. I brushed my fingers over its cold surface, reminiscing the day he gave this to me. It was even inside a pink box with a red ribbon.

Naghihintay lang naman ako ng pagkakataon para maaya ulit si Daddy sa shooting range dahil matagal na mula nung huli kaming bumisita do'n. Kailangan ko lang may mapaglabasan ng stress at anxiety sa susunod ng mga buwan. Iilang linggo na lang at magiging ganap na kolehiyo na kami. 

Tandang-tanda ko pa sa isip ang araw na binigay niya sa 'kin 'to. Sinabi niya rin sa 'kin na ito ang naging bonding moments nila tatay niya—'yong lolo ko. Ngayong nagka-anak na siya ay gusto niya rin itong gawin kasama ako kahit pa na babae ako. No'ng una hindi masyadong sang-ayon ang nanay ko dahil delikado raw. Pero pagkatapos ng ilang pagkukumbinsi ay pumayag na rin siya. Mula no'n ito na ang naging hobby at emotional outlet ko. 

Gusto ko sanang matulog ulit pero nagreklamo ang tiyan ko at gusto munang kumain. Binalik ko ang baril sa kahon at pinasok ulit sa drawer. 

Mag-isa lang ako sa bahay. Parehas nasa Diamond District si Mommy at Daddy at iilang oras pa bago sila makauwi. 

I didn't have any siblings. My parents were too busy even to have the time to take care of me, what more another child? I had wanted to be a big sister. I wanted to experience how it felt like to have someone to protect and to have someone to look at me for guidance.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now