notes on this edition

1.6K 69 13
                                    


More than eight years have passed since I started writing this novel. I was a starry-eyed fourteen-year old back then who had an idea, a word-processor app, and a dream. I never thought I would finish writing a novel back then because I started this as something to get my mind off the cruelties of the world. But look at me now: finished the first two books in the trilogy and currently working on the third one—although it is on-hold because I'm working on another novel belonging in an entirely new series (check it out on my profile!). 

Nakailang edit na rin ako nitong nobelang ito at sa edisyong ito ay masasabi kong malaki na ang pinagbago ng writing style ko kumpara sa writing style ko noong mga unang pagkakataong isinulat ko ito. Kahit papaano kahit hindi naman ako isang propesyonal na manunulat at wala pa man ding kahit isa sa mga likha ko na nai-publish na ay masasabi kong nadagdagan ang aking karanasan sa pagsusulat. Mas maganda nang basahin, mas maganda nang pakinggan, at hindi hamak na mas pulido. 

Itong nobelang ito ang kauna-unahang nobelang natapos ko kaya naman may natatangi siyang puwesto sa aking puso. Ang mga karakter ay naging malapit na sa akin. 

Kung babasahin niyo ito sa kasulukuyang anyo nito mapapansin niyo na may bahagyang mga inconsistency sa pangalan ng ibang mga karakter at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Huwag kayong mag-alala dahil ang mga nabanggit na hindi pagkakatugma ay hindi naman gaanong kalubha ang epekto sa kabuuang kuwento. Mahihinuha pa rin ng kung sinong magbabasa ang nobela. 

Kaya naman gusto ko lang linawin na ang mga kabanatang may bilang at kasamang pamagat pamagat (e.g., one | through the neon streets; two | trapped in glass box; etc) ay ang mga bahaging na-edit ko na at confident ako na iyon na ang best form nila. Ang mga parte na ang pamagat lang ay ang bilang (e.g., Seventen, Twenty-Three, Forty, etc) ay ang mga bahaging hindi ko pa naaayos. 

Bago ko tapusin ang maikling sulat na ito gusto ko lang sanang hilingin na bigyan niyo ang ng suporta sa pmamagitan ng pagbibigay ng vote at pagko-comment. Napakalaging bagay na nito para sa akin dahil binibigyan ako nito ng engagement na ibig sabihin may pumapansin ng mga likha ko. Sa pamagitan nito ay maaapektuhan ang algorithm at mas lalaki ang tiyansa para madiskubre rin ako ng iba pang mga Wattpad readers. 

Iyon lang at maraming salamat!

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon