Forty-One

885 61 3
                                    


CADE

HIS CLAPS DIDN'T FADE for another moment and it echoed back through the whole room, snapping into my ears

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HIS CLAPS DIDN'T FADE for another moment and it echoed back through the whole room, snapping into my ears. I could hear my heart beating in my throat and I thought my ribs would crack. My lungs would explode and even though I tried to breathe deeply it felt like there was no air coming in.

Every time I took a breath, bubbles started to form around my mouth, and my chest rose and fell. His claps faded while his four minions beside him like they were his guards.

"Magaling ang ipinakita mo," sabi niya sa akin at ibinaba niya ang kamay niya. Hindi pa rin bumabagal ang tibok ng puso ko at ang paghinga ko. "Lahat ng ibang subjects dito ay . . ." huminto siya nang sandali at para bang hinuhuli niya pa sa dagat ang mga susunod na salitang babanggitin niya, "hindi masyadong gano'ng kabilis. Hindi nila nalampasan ang huling pagsubok na 'yon nang gano'ng kabilis." Inalagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang likuran at nagmasid-masid sa paligid na parang ngayon lang siya nakarating dito.

"Anong ibig mong sabihin?" Itinagilid ko ang aking ulo. Sa ngayon ay medyo bumagal na ang pagtibok ng puso ko at paghinga ko hanggang sa bumalik na ito sa normal. Akala ko talaga kanina ay kakawala sa dibdib ko ang aking puso.

"Ah." Nilagay niya ang kaniyang mga braso sa kanyang dibdib nang magkasalubong at magkapatong. "It took them . . ." tumingin siya sa isa niyang alagad na para bang hindi siya sigurado.

"Twelve times, sir," the British man filled in for him.

"Ah, yes. it took them twelve times or perhaps even more. Pera ikaw!" He extended his both arms into my direction. Bakas na bakas naman sa kaniyang mukha ang tunay na paghanga.  "You only managed to beat yourself in just one attempt. That's unbelievable!" Ibinalik niya na ang kamay niya sa likod at nababakas pa rin sa mukha niya ang pagkabilib. Ngumiti siya at tumango-tango sa akin na para bang iniisip niya na kung ano ang p'wedeng gawin. Para akong isang laruan at alam niya kung paano niya ito lalaruin. "I can see that you are exhausted by this final evaluation, well, everyone is, kaya naman magpahinga ka muna bago natin simulan ang Phase Two." Tumayo lahat ang apat na alagad niya sa gilid niya. Dalawa sa kanan at dalawa sa kaliwa. Nakatingin sila lahat sa akin na parang isa akong asong niregalo sa kanila ng mga magulang nila nung mga bata pa sila.

"Ano? Anong Phase Two? Ano 'yon?" natataranta kong tanong dahil wala akong ideyo kung ano 'yon at kung anong gagawin nila sa akin sa pahse na 'yon.

Alam ko namang hindi nila ako sasagutin kaya naman huminga na lang ako nang malalim. Wala naman akong mgagawa kundi harapin na lang ang ikalawang bahagi ng eksperimentong 'to. Kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na baka may posibilidad na magligtas sa aking mula rito. Nilalakasan ko na lang ang loob ko. Aalalahanin ko na lang ang sinabi sa akin ni Mama do'n sa huling simulation at babaunin ko na lang ito para naman may lakas at tapang ako sa kung ano man ang tinutukoy nilang Phase Two.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now