four | abracadabra

3K 146 47
                                    


CADE
Abracadabra

Gumising na ako bago pa mag-ring ang alarm na sinet ko kagabi. Ayokong na-late ulit lalo na't na-late na ako kahapon. Dalawang oras pa naman bago ang una kong klase pero tulad ng ng sinabi ko ayokong ma-late.

I readied myself in swift movements. I wore our uniform—white long sleeves, black vest, dark blue pants, and a dark blue coat—and felt its smooth crisp cloth as it hugged my torso. I took my workPad—a thin piece of glass with holograms on it when opened—resting above my nightstand and put it inside my bag.

Pagkalabas ko ng dorm ay nakita kong papalabas na rin si Zike sa kaniyang unit. Gusot-gusot pa ang kaniyang uniform at mali-mali ang pagkakabutones habang nakasabity lang sa leeg niya ang necktie niya. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga eyebags sa ilalim ng mata niyang namumula.

"Slept late?" I said as I approached him.

Tumango na lang siya at napahikab. "Hindi ako nakatulog kagabi kaya nag-binge watch na lang ako."

"At least, maaga ka pa ring nagising."

"Nagising? Eh sino bang may sabing natulog ako?"

He rubbed his eyes with the heels of his palms I thought he was trying to gouge his eyes out until we arrived at the ground floor.

Pagkalabas namin ng building ay naglakad kami papunta sa pinakamalapit na hoverTube station na araw-araw naming sinasakyan tuwing papasok na alam na namin ang daan kahity ba kami'y nakapikit. Iilang kanto lang naman ang layo nito mula sa dormitory building namin. Habang naglalakad kami ay inayos ni Zike ang kaniyang uniform.

It took us only a moment to arrive at the Central University of the Philippines and sprinted to our classrooms after we got off from the station. We arrived at our homeroom and saw our classmates minding their own business. Others were reading their lectures on their workPads, its light illuminating their serious and concentrating faces. Others talked about something I never bothered myself to care about.

We waited several minutes until our professor decided to appear. He greeted us and jumped right into the discussion. The moment he spoke the first word about chemical reactions was the same instant the holoBoard came into view in front of the class. His hands and the holoBoard were lost in unheard music of his own monotonous voice.

Lumipas nang mabilis ang oras na para bang natunaw na lang ng init ng hapon. Maaga pa para umuwi at mataas pa ang araw sa langit kaya naman naisipan na naman ni Zike na mag-aya sa Alexandrite District na para bang ang nangyari kagabi ay nakalimutan na.

"Cade, aga pa para umuwi, 'no?" sabi niya at pinasayaw-sayaw pa ang dalawa niyang kilay. "Saan tayo? We could invite others, you know. Nakakasawa na rin pagmumukha mo eh."

"Eh 'di 'wag mo kong ayain."

May iba naman kaming mga kaibigan. Social enough naman na kami siguro ni Zike para magkaroon iba pang kaibigan bukod sa dalawa. Beside, it was high school and we had been high school students for six years. Normal lang na sa mga taong lumilipas ay magkakaroon kami ng ibang mga kaibigan. Nand'yan si Bea at si Audrey.

Tulad ni Zike, kilala na namin ni Bea ang isa't-isa simula nung bata pa kami. Nakatira ang pamilya namin sa iisang high-rise sa Emerald District at magkaibigan na ang aming mga magulang bago pa kami ipanganak.

Bukod sa pagiging matalino, ang itim na itim niyang buhok, kayumanggi niyang kutis, at gray eyes na nakuha niya mula sa Indian side ng tatay niya, ay iilan lang sa mga katangian niya na pinagmumukha siyang intimidating. Kahit sinong attracted sa babae naman ay sigurong magkakagusto sa kaniya. 'Yon lang ay kung ngingiti lang siya nang madalas.

God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now