Twenty-Seven

1K 70 16
                                    


BEATREESE

THIS WAS THE BEST way to disguise from the police: be one of them

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIS WAS THE BEST way to disguise from the police: be one of them. They wouldn't notice that there was a civilian inside. Sa paraang 'to, mas mapapabilis ang pagpunta ko sa spaceport nang walang pulis na humaharang sa 'kin. Sa kalagayan ng mga kalsada ngayon siguradong makakarating kami agad do'n. Wala na kasing dumadaan kahit isang sasakyan sa mga daan pwera na lang 'yong ibang mga police trucks.

Habang kami ay nasa gitna ng daan, marami pa akong nakikitang mga nagkalat na pulis na nasa gilid ng mga daan na nagmamasid. Hindi pa man nagsisimula ang curfew ay wala na 'kong nakikitang mga sibilyan na naglalakad o nagmamaneho sa kalsada. Puro pulis lang talaga.

Dati kapag mga ganitong oras marami pang taong naglilisawan kung saan-saan. Hanggang madaling araw ay buhay na buhay ang mga kalsada. Maraming iba't-ibang kulay ng mga ilaw. Maraming iba't-ibang uri ng ,ba tunog. Tunog ng mga busina ng kotse, bulung-bulungan, tawanan, yabag ng mga sapatos at kung anu-ano pa. Pero ngayon, patay ang gabi, walang ibang kulay ng ilaw kundi asul, walang ibang tunog maririning kundi ang mga pulis na naglalakad. Napakatahimik. Lahat ng tao sa labas ngayon ay naka-uniporme. Nalimas lahat simula no'ng nangyari ang mga pag-atake. Nagbago ang lahat noong nagdeklara ng Code Black ang presidente.

Noon, nasisilaw ka sa mga ilaw samantalang ngayon ay mabubulag ka na sa dilim. Noon, mapapatakip ka na lang tainga mo dahil sa mga tunog na maririnig mo, ngayon, mabibingi ka sa sobrang tahimik. Lahat ng 'yon ay nagbabo simula no'ng pagbobomba ng mga terorista.

Naging tahimik lang ang biyahe. Walang imik ang mga pulis na kasama ko sa loob ng kotse at ang pagtaas at pagbaba lang ng kanilang dibdib ang naririnig ko. Nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng aking mata dahil sa nakapatong na kabagutan sa mata ko.

"Paano nga pala ako makakapasok sa Space Port?" tanong ko para naman kahit papaano'y mabasag ang katahimikan.

Hindi ko talaga alam kung paano ako makapasok doon. Wala naman akong isang matibay na plano dahil biglaan 'tong desisyon ko. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung sakaling makarating nga ako do'n sa research facility na tinutukoy ni Professor Xean. Pero bago ko muna isipin 'yon, ang unang dapat kong problemahin ay kung paano makakapasok sa loob ng spaceport sa higpit ba naman ng seguridad no'n.

Oo, kaya kong kumontrol ng isip ng tao pero hindi ko naman kayang magmanipula ng makina. For I was sure the security of the spaceport was mostly relying to robotics and electronics.

"Sorry po, hindi po namin alam. Designated lang po kami sa Sapphire District Security. Hindi po namin alam ang sagot diyan sa inyong tanong. Itanong niyo no lang po sa mga pulis na appointed sa Obsidian District," magalang at walang tono niyang sagot. Para bang nagsasalita siya ng wala sa wisyo.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon