Twenty-Five

1.1K 82 11
                                    


BEATREESE

I LAY ABOVE THE dusty floor, so did everyone, as the reverberating boom of the explosion swept us on our feet

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I LAY ABOVE THE dusty floor, so did everyone, as the reverberating boom of the explosion swept us on our feet. Shattered glass littered the floor and some of it were on top of me. I couldn't hear the screams that followed because my ears were filled with a piercing sound as if they were screeching from the loudness of the sudden explosion.

I raised my upper body and rested my weight on my elbows. The explosion wasn't enough to demolish a building but it was sure enough to create havoc.

Sinubukan kong tumayo sa nanginginig kong tuhod at humawak sa mga upuan para hindi ulit ako matumba. Pumikit-pikit ako ng ilang beses para luminaw kaunti ang mata ko dahil parang lumabo pagkatapos ng pagsabog. Dahan-dahan akong lumabad ng bus at sa di kalayuan ay kitang-kita ko ang nagliliyab na ambulansiya.

At doon ako sinampal ng katotohanan.

Ang lalaking hinimatay kanina ay sa halip na mailigtas ay mas napaaga pa ang pagkamatay. Ang mga health personnel na ginagawa lang nang maayos ang kanilang trabaho ay siguradong lasog-lasog na ang laman at buto. Sa ganoong pagsabog, baka nga hindi na matunton kung sino sila dahil baka abo na lang ang kanilang mga katawan.

Mayamaya lang ay may dumating agad na bumbero para patayin ang apoy. May narinig na naman akong mga ambulansiya sa di kalayuan.

Pinahigpit na nga lalo ang seguridad pero may nakakalusot pa 'ring mga ganito? Siguro ay pinagplanuhan talaga 'tong mabuti at matagal pinaglaanan ng pansin bago ang sunod-sunod na atakeng nangyayari ngayon sa Districts.

Papauwi na nga lang ang ibang tao at may nangyari pang ganito.

Pero kahit gano'n, hindi pa rin ako matitinag na pumunta sa Obsidian District. Kahit delikado na ang mga kalsada wala akong pakialam dahil mas delikado ako sa kanila. Desididong-desidido na akong ituloy 'to at wala nang makakapigil oa sa 'kin.

Lumayo ako sa bus at naghanap ng iba pang pwedeng masakyan. Habang naglalakad ako ay mayroong isang maliwanag na hologram na nasa building ang nagpapakita ng oras na parang countdown. At isang oras na lang ang natitira bago magsimula ang curfew. Hindi ko na namalayang kalahating oras na akong naglalakad at hanggang ngayon ay wala akong nakikitang bus, taxi, at kung ano pang p'wedeng sakyan. Hindi naman ako makakabalik na sa Cardonfold University Station dahil 1) malayo na ako ro'n at 2) siguradong sarado 'yon ngayon dahil sa engkwentro.

Nabawasan ang mga pulis dito sa kalsadong 'to dahil ang iba ay rumesponde sa pinangyarihan ng pagsabog kanina. Mayro'ng iilan-ilan namang natira.

Ilang oras na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nasa Sapphire District pa rin ako. Hindi man lang ako nakalayo-layo ng dalawang kilometro sa university dahil sa mga lintik na terorista na 'yan.

On the corner of the street where two avenues met, there was a police truck and officers standing-by beside it, talking and laughing like there wasn't a bombing that happened blocks away from them. And when an idea crossed my mind, a smirk on my lips followed.

I concentrated and activated my human-sensing abilities and found out there were seven of them.

Buti na lang ang napili kong suotin kanina ay kulay itim na hoodie at itim na leggings. Sa suot kong 'to tiyak na madadalian akong magtago sa dilim. Ibinaba ko ang hood sa ulo ko at ipinamulsa ang aking dalawang kamay sa bulsa sa harapan ng hoodie at yumuko.

I walked towards them until they noticed me. Unfortunately, their way of noticing me was pointing their paralyzers at me. Their laughing faces morphed into somewhat hostile and cautious.

"Alam mo bang isang oras na lang ay curfew na? At isang oras na lang din ang natitira para mabaril ka namin?" bungad agad ng isang pulis.

Hindi ko mapigilang ngumisi. Bigyan mo ng baril ang kahit sinong lalaki ay siguradong mas lalaki pa ang tingin niya sa kaniya.

And of course, I played the damsel-in-distress type.

"Naliligaw po kasi ako. Saan po ba rito ang daan p—para makap—pu—punta po ako ng Obsidian District?" utal na utal kong pinalabas sa bibig ko para naman mas malakas ang impact ng pagka-damsel-in-distress ko.

Nakatingin ako sa sahig at ibaba lang ng kanilang katawan ang nakikita ko. Sa pagpapaawa kong 'yon ay buti naman ay binaba nila ang mga paralyzer guns nila.

"Obsidian District? Ang layo na no'n dito. Isang oras na lang ang natitira sayo, miss," isang babaeng pulis naman ang sumagot sa 'kin. Kahit papaano'y naiintindihan niya rin pala ang "kalagayan" ko ngayon. Dahil do'n, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting konsensiya dahil na rin sa kung anong gagawin ko sa kanila.

Doon ko na inalis ang hood ko at tumitig sa kaniya ng deretso sabay sabi ng:

"Kaya nga ako nandito. Para ihatid niyo ko 'don." Pagtapos kong sabihin 'yon ay naramdaman kong konektado na 'ko sa isip nilang pito. Pakiramdam ko tuloy na parang dumami ang isip ko.

Staring blankly ahead like their consciousnes were stolen from them—which was true—they replied, "Yes, ma'am," in unison like they practiced it a long time ago.

Pumasok sila nang tahimik sa loob ng kotse at kanilang bawat galaw ay kalkulado. Sa gano'ng paraan ay nagmumukha tuloy silang mga robot na de-batera at de-remote. Actually, robot sila ngayon at ako ang taga-utos. 'Yong isa ay sa harapan pumunta habang ang natirang anim ay sa likod no'ng truck sumakay.

Pumasok na 'rin ako sa loob ng truck sa tabi ng driver. Medyo maliit ang sasakyan nila kung ikukumpara sa mga truck na sinasakyan ng mga sundalo. Hindi hamak na mas maraming kasya ro'n kaysa rito.

"Start the engine," utos ko sa lalaking katabi ko.

Agad naman niyang binuksan ang makina at naramdaman kong umangat kami ng kaunting pulgada mula sa kalsada.

Tinitigan ko siya at nakatingin lang siya sa kawalan na para bang naghihintay lang kung ano ang susunod kong uutos sa kaniya. Robot na robot mga ang daring niya ngayon dahil para siyang walang buhay.

"Hatid niyo ko sa Obsidian District," at nang maalala ko na hindi ko nga pala alam kung saan sa Obsidian District 'yong spaceport, sinabi ko, "Sa spaceport."

"Sige," sagot niya at nagsimula nang magmaneho.

Before this, I was a damsel in distress but now, I was becoming a commanding empress.

No. I wasn't an empress.

I was a mastermind. And all minds bow to me.

 And all minds bow to me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
God's Cage | WOTG #1Where stories live. Discover now