two | trapped in a glass box

5.3K 192 97
                                    


CADE
Trapped in a Glass Box

Naghintay si Zike sa labas ng opisina habang nakaupo si Officer Pirovano sa kaniyang hovering chair na may leather backrest at massaging balls para mas komportableng upuan kahit buong araw. Mabilis siyang nag-type sa kaniyang lamesa, ang mga mata'y naka-focus sa holoScreen sa kaniyang harapan, habang sinusundan niya ang aking istroya kung saan ako dapat ay nasa loob ng dorm ko at wala sa presinto. Sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol sa lindol at ang sumunod na panic.

"Sandali," sambit ni Officer Pirovano at tumigil sa pagta-type. Kumunot rin ang kaniyang noo. "Teke lang. Sa Nectar kayo nagpunta ng kaibigan mo?" tanong niya na para bang na-experience niya na rin ang nightclub mismo. Napangisi na lang siya at napailing.

My cheeks heated up. Nectar was one of the famous nightclubs here with a certain kind of reputation. I guess Officer Pirovano knew that.

I nodded. A lump climbed to my throat as the moment I've been avoiding all night crept up to me like a spider's foot.

"'Yong dalawang lalaking nasa eskinita? Kilala mo ba 'yon"

Umiling ako.

"Pero sinabi mo ginulpi ka nila?"

Tumango ako.

Tumingin siya sa akin ng ilang segundo bago sinabing, "Patingin nga ng ID mo."

Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Tinitigan niya lang ako.

"Uy. Sabi ko ID mo?

"Uh, oo, ano. Sandali." Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at sinend 'yong ID ko sa computer niya. Tiningnan niya ang picture ko na kinuha no'ng isang linggo para sa mga okasyong tulad nito kunng sakaling mmay manghingi ng ID namin sa mga nightclubs na dadalhin ako ni Zike. Skepticism deepened the wrinkles lining his forehead.

Napalunok na lang ako nang halos isang minuto na ang lumipas.

"Alam mo," simula niya, "hindi pa ako nakakita ng fake ID na kasing obvious nito." Sumandal siya sa upuan niya. "P'wede kitang ilagay sa selda buong gabi kung nasa legal age ka na, alam mo ba 'yon? Kailangan kong makausap parents mo, hijo."

Shit.

"Magpapaliwanag po ako, sir," sabi ko.

"Nako, hijo, hindi ako p'wede makipag-usap sa menor," sagot niya.

Dali-dali akong nag-isip ng dahilan 'wag lang niyang tawagan sila Mama. "Busy po sila."

"Okay. Pero sigirado naman ako na kahit gaano pa sila ka-busy hihinto nila 'yon kapag nalaman nilang nasa presinto anak nila, 'di ba?

"Please, sir. Titigukin ako ng nanay ko."

"Eh sana inisip mo muna 'yon bago mo pineke ID mo." Nag-type siya ulit, ang matataba niyang daliri ay sumasayaw sa ibabaw ng hologram-projectyed keyboard sa salamin niyang lamesa. "Ano totoo mong pangalan?"

Nagdalawang-isip ako. Pero siya'y tumitig lang sa 'kin nang hindi kumukurap.

"Alexis Cade Ventura."

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon