Forty-Nine

827 56 7
                                    


BEATREESE

WHAT IN THE HELL was that?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WHAT IN THE HELL was that?

Di ako makapaniwala sa mga nakita ko. Sinasabi na nga bang may kakaiba kay Deo pero hindi ko alam na ganito pala 'yon. Akala ko ay ang kakayahan lang ni Cade ang pinakamalakas. Nang makita ko ang kakayahang 'yon ni Deo, nagdalawang isip ako kung si Cade na nga ba ang may pinakanakakatakot na kakayahan.

Kayang-kayang lusawin ng laser na iyon ang ganitong kalaking sasakayan pero siya hinihop niya lang iyon at ibinalik pa.

People cheered and hollered. The atmosphere was thick with celebration and I could almost hear their smiles. Some of them were even havong a victory dance. Laughters bombarded my eardrums and I got to admit, Incouldn't help but smile, too.

I turned around and looked at Kato. We exchanged stares and it was also obvious to his wide eyes that he was shocked to what happened.

I puckered my lips as my mind drifted to Deo's powerful ability. I stood there, trying to figure out his powers and how did he do it. It was surreal, thinking of Deo absorbing the thick hot bright laser beam of the Russian canon like only to release it back towards it. It was unbelievable, and yet it already happened.

What kind of ability was that? What were the things he was still hiding?

Nagsisipuntahan lahat sa kinatatayuan ng kapitan at do'n sila nakipagkamayan, nagyakapan, at nagpurihan. Isang napakasayang mga ngiti ang mga nakapinta sa kanilang mukha. Hindi na nila inisip kung ano ang maidudulot nitong labanang ito.

Gulo.

Kahit sino namang nag-iisip na tao ay alam na kapag inatake ng isang bansa ang isa pa ay mag-uuwi ito sa isang matinding alitan. Lalong-lalo na kapag sinira ng isa ang napakalaki at tiyak na napakamahal na sandatang pangkalawakan.

Giyera sa pagitan ng dalawang malalakas na bansa ang tiyak na magiging kasunod nito sa oras na makarating ang balita sa Russia at sigurado akong hindi sila magpapatalo hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nilang kuhain.

Matagal-tagal na rin ang mga panahong lumipas na gustong masungkit ng Russia sa Pilipinas ang katagang World's Superpower ngunit sa paglipas ng panahon nanatili pa rin ang trono sa Pilipinas. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit mainit na mainit ang mga mata ng Russia sa Pilipinas.

Naglakad ako habang nakatingin sa pinakamalaking hologram sa harapan ng kwartong ito at inoobserbahan sa katawang nakalutang sa kalawakan. Si Deo. Habang ang lahat ay abalang-abala sa pagsasaya ako ay lumapit sa malaking hologram na 'yon at hinawakan ko ang imahe niya sa hologram. Pagkalapat ng aking kamay ito ay tumagos lang.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon