twelve | armageddon

1.7K 97 12
                                    


CADE
Armageddon

I used to think of the times when the Philippines was a third-world country and when poverty was rampant as well as corruption. When I was in seventh grade, Mr. Salvador, my history teacher, used to tell us that the Philippines was not the most powerful nation back then and was just at the mercy of the powerful countries. He said we had been a country trapped between the grasps of the Americans and the Chinese like a rope in a tug-of-war. I couldn't wrap my head around it. I couldn't imagine that the Philippines wasn't as powerful and influential back then as it is today.

"Nag-umpisa ang Reformation Era nang sinimulang mag-focus ng Pilipinas tungo sa pagpapa-unlad ng industriyalisasyon at agrikultura," paliwanag ni Mr. Salvador habang ang holoBoard ay nagpapakita ng mga larawan ng dating Pilipinas. "At nangyari ang Destructive War, mas kilala bilang Armageddon, na kung saan kasali ang mga makapangyarihang mga bansa at kanilang mga kaalyado. This became the most important turning point in the era today. The war ended Christianity for it was believed that the Judgement Day written in the bible was also the day of the beginning of the Destructive War, hence its other name." My classmates nodded to what our teacher had said. We had watched the cities as they burned and people died from sickness, famine, and violence. It was the darkest time for the world, especially in Europe, the Americas, and Eastern and Western Asia.

"Alam ng mga tao sa buong mundo kung ano ang maidudulot ng digmaan sa kanila kaya naman nang malaman nilang isa sa mga mananatiling neutral ang bansang Pilipinas sa kabila ng pag-pressure ng China na sumali sa giyera bilang kaalyado nila ay agad silang nagpunta rito. Europeans, Americans, and even Africans sought refuge in the country."

"Pero hindi ba magiging problema lang sa gobyerno ang patuloy na paglaki ng populasyon? Tsaka paano na 'yong mga needs nila?" tanong ng isa kong kaklase.

"Intelligent question, Ms. Villacorta," Mr. Salvator said. "Pero nakalimutan mo na ba 'yong Violet Plague na halos ubusin ang populasyon ng Pilipinas seventy years bago ang Armageddon? Hindi ba tinuro ng teacher niyo 'yan no'ng Grade 6 kayo?

We all shook our heads. We had no idea what the Violet Plague was and it had been the first time we had heard about it.

"Nakakaloka kayo. Hindi ako nasusuwelduhan para iuto ulit sa inyo 'yong mga bagay na dapat alam niyo na," sabi niya sa 'min at napapailing na lang. "Anyway, the Violet Plague was the pandemic that swept over almost half of the population of the Philippines. Nagmula ang sakit sa Indonesia at kumalat nang mabilis sa buong mundo na naging sanhi ng pagkamatay ng milyun-milyong katao. Isa 'to sa mga bagay na tiningnan ng Kristiyanismo bilang nalalalapit na senyales ng Araw ng Paghuhukom.

"Iilang dekada bago pumutok ang gulo ng Armageddon, nag-focus muna ang Pilipinas sa pagre-recover kaya naman ang presidente no'ng mga panahong 'yon na si Urierta de la Vega ay tumangging makisali sa giyera. Sinuportahan naman siya ng Kongreso sa desisyong 'to. Nakita nila na magandang paraan ito para masolusyonan ang krisis sa populasyon kaya naman binigyan nila ng Filipino citizenship ang mga refugee na dumating dito no'ng mga panahon ng digmaan. That's why the Philippines is the most diverse country in the world where all the races live in peace.

"As the war went on and the countries involved tore each other down, the Philippines had focused on itself which placed it in its position of power today. It was a war that put the Philippines on its throne, and it could be another war that could push it out of its seat."

Anim na araw na ang lumipas matapos nang sabihin ko kay Trina ang tungkol sa kakayahan ko. At sa mga araw na lumipas na 'yon ay hindi ko pa rin sinabi kay Mama tungkol sa maliit naming sagutan. Bumisita si Trina sa Emerald no'ng Wednesday pero hindi kami nagpansinan at buti na lang hindi napansin nila Mama't Papa pati na rin si Alex na may tensyon sa pagitan naming dalawa ni Trina. Kumilos lang kami nang parang walang nangyari habang kinausap kai ni Mama tungkol sa pinaplano nilang dinner sa labas kinabukasan bilang celebration ng graduation ko. Pagkatapos namin kumain ay umalis na agad siya at bumalik sa apartment niya sa Sapphire.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon